Entry 25: Weird

331 9 0
                                    


Lallaina Ashley Del Mundo

I'm looking at my little brother Karl habang masaya itong nakasunod sa attendant papunta sa cottage namin.
Kasunod rin nito sina Mom and Dad, and of course Vince.

Hindi ko alam kung paano nila ako napapayag na bumalik dito.

Because right now we're here in Camp Hunt Love Resort. Dito sa lugar kung saan ako nagmahal at nasaktan.

The resort didn't change. Maganda pa rin at marami pa ring tourist.

Inilibot ko pa ang tingin ko sa paligid ng resort. Yeah, I won't deny it. I'm expecting to see him here.

Lance Justin Carr

Six months ago simula ng huli ko itong makita sa coffee shop na iyon sa Australia. Kung saan hinamatay ako. Nong magising ako non ay nasa hospital na ako at si Mommy ang una kong nakita. I was expecting to see him there but walang Lance akong nakita hanggang sa makalabas ako ng hospital. So I thought na hallucination ko lang iyon. Siguro dala na rin ng stress — katulad ng sabi ng doktor na tumingin sa akin.

But after my hospitalization I continuosly recieved red roses every morning. Wala naman ni isa sa pamilya ko ang nagsasabi kung kanino galing iyon. But the notes in every roses says it all.

I'm waiting for you pretty lady...

Yon yong laging nakasulat sa notes. And I know kay Lance galing iyon. So hindi hallucination yong nangyari sa coffee shop.

But that thing doesn't mean that we're okay. Na ayos na sa akin na basta na lang ako nitong iniwan. Actually I'm trying to move on from him. Because I realized that he's really too late. Kahit gusto kong marinig yong paliwanag nito, I don't think kung paniniwalaan ko ba iyon. Kaya nga nong sinabi sa akin nina Mom and Dad na vacation dito sa Camp Hunt Love Resort ang graduation gift nila sa akin ay hindi ako pumayag. Because I'm not yet ready to see this place. And because I'm trying to move on kaya ayoko muna itong makita.

But the move on thingy doesn't have progress, at isa pa I missed this place too. I missed Gwenn and Jem. Kahit naman hindi naging maganda yong relationship namin ni Lance ay naging good friends naman sa akin sina Gwenn at Jem. And one more thing, si Vince talaga ang nag initiate ng lahat ng 'to.  We're okay na rin naman. I forgive him already sa ginawa nya kay Lance. And besides he's my best bud. Hindi ko sya matitiis.

That's explains why I'm here with my whole family.

I think I'm just gonna enjoy this vacation.

Sumunod na rin ako sa kanila papunta sa cottage namin. We rent only one cottage. Para daw masaya sabi ni Mommy 'cause she missed us. Ngayon lang daw kasi sila hindi naging busy ni Dad.

I settled my things at nagpahinga lang ako saglit and I went out para pumunta sa favourite kong coffee shop. I want to see Jem and Gwenn na.  I don't know if they have idea na nandito ulit ako. I don't have contacts with them kasi.

And when I finally reached the place ay agad na gumala ang paningin ko para hanapin ang dalawa. And timing, they're here!

Nasa may counter sila at mukhang nag aasaran. Lumapit na ako. Unang nakapansin sa akin si Jem kasi nakaharap ito sa dereksyon ko. I wave at him.

"Ashley? OMG, is that really you?" hindi makapaniwalang tanong ni Jem ng makalapit ako.

Jem didn't change. He's still looks cute. Mejo pumayat nga lang sya. But bagay naman sa kanya.

"Hi Jem. I missed you too..." tumatawang sabi ko at naupo sa katabing stool na inuupuan ni Gwenn. Saka naman ito humarap sa akin.

"Ashley?!  Yes. You're here! Oh my gosh I'm so happy! Ang ganda mo pa rin girl! Pero pumayat ka. Omg!" niyakap pa ako nito ng mahigpit.

Camp Hunt Love: Ashley and LanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon