∞ : 3 ; Tinta Ng Pait

15 4 0
                                    

тιитα иg ραιт

Lumuluha ng tinta
Ang aking panulat
Tila hindi maubos-ubos ang kanyang pait
Ang mga hinagpis

Kasabay niyon ay ang mabibigat na paghinga
Nangangalit ang aking kalooban
Ngunit sumasabay ang mahihinang:
Bugso ng panghihina

Bakit tila yata't napakadilim sa labas?
At tila yata't nanlalabo ang aking paningin
Matatapos ko pa ba ang huling mensahe para kay Satanas?
O baka tuluyan na akong malagutan ng hininga

Itinago ng mga magagarang damit
Ang bawat marka ng pananakit
Porke't wala na ang mga taong tunay na nagmamahal
Ganito na nila ako kung tratuhin?

Dapat nga sigurong tapusin ko na ang aking buhay
Kailangang matapos ko muna itong mensaheng ito
At nang mapayapa naman kahit papano ang aking kalooban
Nang sa gayo'y hindi ko na aalahanin ang mangyayari pagkatapos nito

Sa aking maliit na kwarto
Sa matigas na katre
Ibinuhos ko ang huling lakas upang maisulat
Ang lahat ng kasalanan ng mga tao sa hacienda

Matapos ang lahat ng ito'y sana matanggap:
Nga ni Satanas ang aking sulat
Handa akong ibigay ang lahat ng kanyang hiling
Maging ialay ang aking kaluluwa

Humihinga ako ng dispensa sa aking gagawin
Pero heto lang ang alam kong paraan
Para mabigyang hustisya ang aking pagkawala
Patawarin ninyo ako sa ang pagiging mahina

Ngunit buo na ang aking pasya
Wala na kayong magagawa pa
Sukat mawala ang lahat ng mahalaga sa akin
Pwes tatanggalin ko rin lahat ng sa inyo

Paalam na, mga taong kumamkam ng aking kayamanan
Paalam na, sa mg taong umaastang mga banal
Paalam, mga itinuring kong kaibigan
Paalam, dati kong pagkatao.

»»————-  ————-««

Inspiration: My fears
Date Started/Finished: April 15, 2019, April 20, 2019
Time Started/Finished: 11:25 AM, 2:50 PM


Infinity (Pieces Of Words #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon