CRITERIAS FOR JUDGING

249 56 6
                                    


Maguupdate po kami kung ijujudge na ang mga gawa niyo. At pag nag umpisa na ang judging period, bawal ng eedit ang mga libro niyo kaya pag aralan ng mabuti ang criteria!



BOOK COVER - 5%

Dapat konektado ito sa genre at sa inyong kwento.


TITLE AND DESCRIPTION/PROLOGUE 5%

Sa una pa lang, dapat nahohook na kami o nakakaengganyo nakaagad ang simula ng kwento.


PLOT WITH TWISTS AND FLOW - 30%

Ito ang magiging basehan kung may mapupulot ba kami sa inyong storya at  mapapanatili niyo kaming magpatuloy magbasa sa susunod na kabanata. Exciting scenes? Suspense? Mystery? Yung mapapasabi kami na, omg!Anong mangyayari? 


ARRANGEMENT - 10%

Alam niyo yung magulo? yung hindi nakaayos ang storya, palipat-lipat ng POVs(Okay lang naman talaga ang palipat-lipat, pero kung sobra na, nakakasama sa inyong kwento), yung hindi namin alam ang nagsasalita, yung biglang napatanong kami, anong nangyari dun? Nasan na yun? then boom! Naiwan kami sa ere dahil na nasa next scene na pero hindi parin namin gets ang nangyari sa unang scene! 


Kasama na ang errors and grammars dito. Yung mapapabaliktad ka nalang sa iyong inuupuan dahil hindi mo maintindihan ang kanilang sinasabi. Wer na u? U their two? Ur so dancing! I am tree apples.


TOTAL OF 50%


Note: Tutulungan namin kayung mag improve by giving feedbacks sa mga kwento niyo, ipopost namin dito kaya dapat updated na kayu lage pagnagsimula na ang judging period. Salamat!


Orbit Writing Contest 2019 (Open)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon