Prologue

30 1 0
                                    

Invisible. . Yan ako sa pamilya namin. Hindi nakikita. Hindi nararamdaman. Lahat sila walang pakialam sakin. Lahat sila masaya pero ako, nagdurusa. Nagdurusa sa kakulangan ng pagmamahal at paaaruga ng isang ina. Inaamin ko, hindi ako perpektong anak para sa ina ko. Hindi ako yung tipong first honor o laging may award sa school para ipagmalaki ng magulang. Hindi rin ako yung tipong laging may beauty contest o academic contest na sinasalihan. Kung tutuusin wala naman talagang maipagmamalaki sakin.Ako yung "black sheep" sa pamilya namin. Kaya siguro kinahihiya ako ng ina ko na napapunta pa sa hindi pagpapaaral sakin. Sayang lang daw ang gastos niya kasi wala din naman daw akong mararating. Bobo at walang silbi ang tanging nilalarawan sakin ng aking ina.Alam kong kakaiba ako sa aming apat na magkakapatid, pangatlo ako. Ang panganay kong kapatid, nagtapos siya bilang isang dentista. Tunay nga namang maipagmamalaki siya dahil nakapatapos siya ng may karangalan. Tandang tanda ko pa nun, ang saya at pagkaligaya ng aking ina. pinagahanda niya pa nga si kuya ng napakarming pagkain na animoy may piyesta sa bahay. Ang ate ko naman, modelo siya. Lagi nga yang kasali nun sa mga beauty pageant at lagi pang panalo. kaya proud na proud diyan ang ina ko. At ang bunso ko namang kapatid, siya ang pinakaclose ko NOON pero nung pinagsabihan siya ni Ina na lumayo sa akin at baka daw mahawaan ng kabobohan ko, umiwas rin siya.

Kahit minsan di ko man lang nararansan na maging proud siya sakin, ang masaklap pa eh nung nagtapos ako nung high school sa sarili kong sikap. Kahit silip man sa school hindi niya nagawa. Noong mga panahong iyon, doon nagsimula ang pakikimkim ko ng galit sa kanya. Doon nagsimula ang galit at poot ko sa kanya. Doon nagsimula ang pagkawala ng pagasang magkakasundo kami. Doon nagsimula ang lahat. Ang lahat lahat.

A Daugther's Story (short story)Место, где живут истории. Откройте их для себя