Chapter 6

31 0 0
                                    

Ilang araw na rin ang nakakaraan noong nagpunta si Ina sa bahay.Galing ako sa Recording ng first album ko kanina. At ngayon narito ako sa isang coffee shop. Ganitong ganito ang hitsura ng coffee shop ng pinapangarap namin ng aking bunsong kapatid. Namimiss ko tuloy si CheChe. . Haay. .

Habang hinihigop ko ang aking Hot caramel coffee ng gustong gusto ko noon pa. Biglang may tumawag sa pangalan ko. Akala ko noon ay isa lang sa mga fans ko. Pero nagkamali ako at di ako makapaniwalang siya iyon ang aking kapatid na si CheChe..

"Ate Joan?"

"Uh? Kilala ba kita?"

"Ate naman. Si Cheche to. ."

"Cheche? Naku, sorry. Di ko alam. Di agd kita namukhaan. Grabe ang laki laki mo na. Mas lalo kang gumanda bunso ha. . Kamusta ka?"

"Haha, Eto ayos lang naman. Natatandaan mo pa ba ito at. Itong hitsura ng coffee shop na ito?"

"Don't tell me sayo to? Wow naman."

"Oo ate. Magiisang taon na rin ate. .Ah ate pasensya ka na kay Mama ha kung binulabog ka niya sa bahay mo nung isang araw. "

Nanahimik na lang ako. Ayokong maalala pa ang araw na iyon. Ayokong maalala ang mga pagiyak niya na sobrang nakakdurog ng puso ko. Yung iyak niya na mas masakit pa sa mga sinasabi at turing niya sa akin noon.

"Ahm. Ate, bakit di mo subukang kausapin siya ng maayos?"

'Di ko pa kaya."

"Ate,mahirap ang pinagdadaanan niya. Di na madali katulad noon. Hindi na siya yung kilala mong malakas na tao. Mahina na siya. Sobrang hina na niya."

"Aalis na ako."

"Ate, wag mo kong talikuran. Makinig ka sakin. Sinasabi ko sayo to di para kaawaan mo si Mama. Sinasabi ko sayo to para buksan mo ulit yung puso mo sa kanya. Alam namin na nagkulang siya sayo. Alam namin yung pinagdadaanan mo noon. "

"Pero bakit di niyo man lang ako tinulungan ha?"

"Kasi natatakot kami. Naunahan kami ng takot. Makinig ka, ate. Sa ating apat ikaw ang pinakaswerte. Sobrang swerte mo. . Alam mo kung bakit? Kasi ikaw lang ang tanging naaalala ni Mama. ikaw lang! May sakit siya dahil na rin siguro sa katandaan niya. Pero alm mo kaming tatlo? di man lang niya naaalala. Kahit yung mga memories niya na kasama kami. Di niya naaalala. . Pero kahit minsan hindi kami nagalit sa kanya. Hindi kami nagdamdam sa kanya. Kasi sa pagitan niya at sa pagitan namin. Siya yung may pinakamalaking hirap. . Pero ate, siguro nga pinarurusahan na siya. Siguro nga kailang mo nang magsaya dahil sa mga nararanasan niya. Dahil kasabay ng paglimot niya sa masasayang alaala, kasabay nun ang pagdama niya ng sakit at pagalaala niya ng mga pagkukulang niya sayo. Ate Joan, ilang taon na araw araw siyang nakakulong sa kwarto at umiiyak.  May mga oras na hindi na siya kumakain. kaya nung napanood ka namin sa TV nun. Doon siya nagkapagasa na makikita at makakabawi siya sayo. Hinanap ka niya at dahil nga sikat ka na, madali ka niyang nakita. Ate, wala kaming kaalam alam na umalis siya sa bahay para hanapin ka para puntahan ka sa bahya mo. Sa edad niya delikado para sa kanya yun. Lalo na't hindi na siya ganun kapamilyar sa mga dadaanan niya. Pero ate, di mo man lang siya binigyan ng pagkakataong makausap. Di mo man lang binuksan ang puso mo para sa kanya. Ate itatanong ko sayo ngayon. Sino sa inyo ang mas masama? Ikaw o siya? Kahit di siya naging mabuting ina para sayo, Sana tandaan mo na naghirap siya para mabuhay ka. Naghirap siya sa pagpapalaki sayo. At sana rin alam mo na bata pa lang tayo, ikaw na lagi ang pinupuntahan nilang dalwa ni papa tuwing family day. Sana alm mo nung mga panahong pinagaaral mo ang sarili mo, proud na proud siya sayo. Sana alam mo rin na kaya hindi siya nakapunta sa graduation mo nung highschool kasi sinugod siya sa ospital dahil mataas nun ang lagnat niya. At sana alm mo rin kung gaano siya umiyak ng umiyak nung umalis ka sa bahay. Kilala mo naman si Mama diba? Magaling siya sa pananalita ng masasakit pero labag sa loob niya yun. Ngunit sinasabi niya yun sayo kasi gusto niyang maging malakas ka. Kasi alam niya sa ating apat ikaw ang may pinakamararating. At hindi nga siya nagkamali. . Ate sana patawdin mo siya. kasi Ina mo pa rin siya. naging bulag ka lang kaya di mo nakita kung paano ka niya minamahal at inaalagan. tandaan mo ate na ang Ina ay mananatiling Ina."

A Daugther's Story (short story)Место, где живут истории. Откройте их для себя