Chapter 4

24 0 0
                                    

CHAPTER FOUR (MAKALIPAS ANG ILANG TAON)

"Mama, tingnan mo yung nasa TV oh."

"Oh, anong meron diyan?"

"Di mo ba siya namumukhaan?"

"Hindi eh. bakit?"

"Kinalimutan niyo na po ba talaga ang anak niyong yan?"

"Joan?"

"Opo Mama. Siya po si Ate Joan.Pakinggan po natin ang balita Mama."

* "Isa na namang Pilipina ang nagpakitang gilas sa buong mundo. Ating kapanayamin ang napakatalentadong si Ms.Joan Florez."

Palakpakan ang mga tao sa studio. .

"Hello Miss Joan."

"Hello din Miss."

"Ikwento mo nga sa amin ang paghihirap mo sa ibang bansa para makuha ang tropeyo ng pinakamagaling na mangaawit sa buong mundo?"

"Noon, akala ko wala akong maipagmamalaki sa lahat pero parang nagkamali ata ako. Pumunta ako sa ibang bansa na ang tangng baon lamang ay ang lakas ng loob. Ni isang tao ay walang tumulong sa akin noon, ako'y kanilang kinamumuhian. Subalit sadya nga atang mapagbiro ang Diyos, dahil mula sa mga taong iyon doon ako nakahugot ng lakas at tibay ng loob na harapin ang tunay na mundo. Noon ay hindi ko nararamdaman na may nagmamahal sa akin kahi ang sarili kong ina. Subalit Salamat sa kanya. Dahil tinuruan niya ko na mas maging malakas. at dahil tinuruan niya akong maging independent at ilabas ang tunay na silbi ko dito sa mundo.At ngayon ang tropeyong ito ay hindi para sa akin kundi para sa mga taong hindi ako kinahihiya. Sa mga taong tunay na nagmamahal sa akin." *

"Anak ko. Patawarin mo ko. Patawarin mo ko." 

A Daugther's Story (short story)Место, где живут истории. Откройте их для себя