Ryan POV:
kanina ko pa tinititigan si Zumi...
Eh pati ung Timothy na to nakikitingin letse.
maya-maya lumabas siya pero bumalik din agad tapos mukhang kinakausap nya sila Tita .. at pagkatapos lumapit naman sya kay Dryke at umalis silang dalawa ..
saan kaya pupunta yung dalawa na yun??
Dryke POV:
nagmamadali kaming pumunta sa Parking lot at sumakay sa kotse ko ....
"asan daw sila" - ako
" sa black garage daw " - ate zumi
dali dali akong nagmaneho ...
⇩Black Garage⇩
"Tara na ...mukhang kelangan natin mag-warm up.... " - ate Zumi.,,
"minsan talaga..bumabalik ka sa dati.hahaha. " ako..
gusto nyo ba malaman ung pinag uusapan nameng?
tumawag yung friend namin na si Loi Ann.. gangster sya .. at malapit na kaibigan din
sinugod daw sila ng mga miyembro ng Mafia .. nasa 100 ang mga yon at 7 sila Loi kaya kelangan nila ng tulong
papasok pa lang kame .. maririnig na kagad yung mga suntukan epek..
"huwag muna tayo pumasok.. magmagsid muna tayo..eto suot mo"
binatuhan nya ko ng mask ..at nag-nod ako..
nakita naming nakatali c Loi At pinapahrapan naman ung anim...
"well..well..mahina pala kayo.. puro yabang... " Mafia Member 1(M)
"Sabihin mo! SINONG BAGONG LEADER NYO ?! IHARAP NYO SYA!??MAHIHINANG KLASE.." pisil ni M1 sa pisngi ni Loi.
nagulat ako nung biglang sinipa ni Ate Zumi ung isang Drum ..
"wala kang karapatang sabihin yan..mas mabuting bawiin nyo na yung sinabe nyo ngayon palang hanggat maaga.." kalmadong sabe ni ate Zumi.
sh't kinakabahan ako pag ganto kakalmado c Ate Zumi...
"at sino ka naman? " M1
"bakit? kelangan mo pa malaman? natatakot ka ba??? " nakangising sabi ni ate Zumi...
"kung hindi ikaw ang leader nila... umalis ka na.. hindi namin kelangan ng nagtatapang tapangan.."