Chapter 2

26 1 0
                                    

10:30 na ng gabi nang may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Si mommy ang bumungad nang buksan ko ang pinto. "Matutulog ka na ba anak? Halos kauuwi ko lang. Nagbihis muna ako bago ako nagpunta dito." 

"Hindi pa mommy, katatapos ko lang po maligo. Saka hinihintay talaga kita kasi sabi mo magkukwentuhan tayo di ba?" nakangiti kong sagot sakanya. Gusto kong malaman kung tama ang hinala namin ni Kuya Jas kung saan sya nagpunta. Umupo kami ni mommy sa sofa sa loob ng kwarto. 

"Kamusta ang naging bakasyon mo anak? May mga naging kaibigan ka ba doon? Magkwento ka kay mommy." sabi ni mommy habang kinuha nya ang suklay sa kamay ko at isinuklay iyon sa buhok ko. "Ayun mommy, lumalabas lang ako kapag inaya ako ni lolo at lola kumain sa labas saka kapag may bibilin ako na pasalubong para sa inyo ni Daddy at Kuya Jas. Wala akong nakilala doon mom, ayoko din naman kasi hindi naman ako magstay ng matagal doon." kwento ko kay mommy. Bigla akong tumayo at kinuha ang isang medium size na box at iniabot kay mommy. "Tadaaaa. ito yung secret na sinasabi ko sayo mom! For you. hehe" Kita ko ang saya sa mga mata ni mommy habang inaabot yung box. Sarap sa pakiramdam kapag napapasaya ko sila. Katulad kanina nang inabot ko kay daddy ang uwi kong wrist watch, tatlong necktie at isang pair ng business suit na magagamit nya sa trabaho. Alam ko kung ano ang taste ni daddy sa pananamit kaya ang saya ni daddy nung ibinigay ko sakanya iyon. Kay Kuya Jas naman, isang pares ng rubber shoes kasi bilin nya iyon,haha! 2 relo, 3 klase ng perfume at, ang pinakafavorite nya, 2 branded na sun glasses. May uwi rin ako para kay Ate Diane, 2 klase ng perfume at lotion. Hindi ko alam kung magugustuhan nya iyon kasi hindi ko pa naman sya nakakausap at nakikilala ng husto. Pero dahil part na rin sya ng pamilyang ito, naisipan kong uwian na rin sya. May uwi rin ako sa mga kasambahay namin sa bahay pati sa mga driver at guards. Ang ganda kasi ng serbisyo nila sa amin kaya deseve nila ang maitreat ng maayos. Ang sarap sa pakiramdam ng nakakapagbigay at napapasaya ang mga taong mahahalaga sa akin. 

Umupo na ako sa tabi ni mommy habang binubuksan nya ang box. Isang silver na pouch at hand bag, isang relo, isang jewelry set, at 3 dress. halos si mommy ang nabilhan ko ng maraming pasalubong. Ang dali kasing maghanap ng pasalubong kay mommy eh, kapag alam kong bagay kay mommy, binibili ko agad. "Anak ang dami naman nito. Salamat iha. Baka naubos na ang savings mo." nangingilid ang luhang sabi saken ni mommy. halata sakanya ang tuwa na nararamdaman nya. Malaki ang allowance na binibigay ni mommy at daddy nung nagaaral pa ako. Hindi naman ako palabili kaya naipon ko ito. Kaya nabili ko lahat ng gusto kong bilin para sa family ko. "Ano ka ba mom, sa inyo rin naman galing yung pinangbili ko dyan.haha. naipon ko po. Kapag kasi ibinalik ko ng Cash sa inyo, hindi nyo tatanggapin eh. Kaya ibinili ko na lang para siguradonh hindi mo ibabalik. hehe" natatawang sabi ko. Niyakap ko si mommy ng mahigpit. "Salamat Jena, anak." sabi ni mommy. "So shall we proceed to our kwentuhan mode mom? Ako naman ang magtatanong" sabi ko kay mommy at bumitaw na ako sa pagkakayakap ko sakanya. Tinignan ko sa mata si mommy. "Saan ka galing mommy? Sino yung kausap mo kanina? Sino yung pinuntahan mo?" Seryosong taong ko. Alam ko magsasabi ng totoo si mommy sa akin. Naniniwala akong hindi sya naglilihim sa akin at ganoon din ako sakanya. Inilapag nya ang box sa maliit na lamesa sa harapan ng sofa. Huminga ito ng malalim bago nagsalita. "Ang Tito Timothy mo ang kausap ko kanina, Jena. Sa kanila ako galing at sya ang pinuntahan ko." Tama ang hinala namin ni Kuya Jas, sabi ng isip ko. Hindi pa rin nawawala ang pagtingin ko sa mga mata ni mommy. Hinihintay kong magsalita pa sya at magpaliwanag. Naunawaan nya ang mga titig ko. "Your Kuya Lester, haaaaaaay, nagtangkang magsuicide. Tinawagan ako ng Tito mo at nakiusap kung pwede ko raw munang bantayan si Lester sandali dahil may kailangan lang daw syang asikasuhin. At, gusto daw akong makita ni Lester. Pumayag ako dahil gusto ko ring makausap si Lester kung bakit nya ginawa iyon." sabi ni mommy. Nabigla ako sa balita sa akin ni mommy. Pero hindi ko iyon ipinahalata sakanya. "Ano pong sabi ni Kuya Lester bakit nya po ginawa iyon?" tanong ko kay mommy. "Yung girlfriend kasi nya for 5 years, nakipagbreak sakanya dahil ikakasal na ito sa iba. The girl is destined to have an arranged marriage. Kailan lang din nalaman nung babae. At hindi nya kayang ipaglaban ang Kuya Lester mo. So she decided to end their relationship. Hindi kinaya ng Kuya Lester mo kaya nagattempt siya to end his life." Nagsimulang tumulo ang mga luha sa mata ni mommy. Pakiramdam ko, parang ikinukwento nya ulit sa akin ang nangyari sakanila ni Tito Timothy.

Before ikasal si mommy kay daddy, may matagal ng syang relasyon kay Tito Timothy. Hindi nya alam na nakatadhana sya sa isang arranged marriage. Sinubukan nilang ipaglaban ang pagmamahalan nila, ngunit nabigo sila. Maimpluwensyang ang pamilya ni mommy kaya hindi sila nagtagumpay sa anumang takas na gawin nila ni Tito Timothy. Sa huli sumuko na si mommy  at pumayag na sa arranged marriage sa kondisyong hindi na gagalawin o pagbabantaan si Tito Timothy at si Kuya Lester.  Wala na ring nagawa si Tito kundi tanggapin ang kapalaran na mayroon ang babaeng mahal nya. Si Kuya Lester naman, palaki sya ni Tito Timothy. Kwento sa akin ni mommy, bago sila nagkaroon ng relasyon, alaga na ni Tito si Kuya Lester, at itinuring na rin na anak ni mommy si Kuya Lester, kaya ganoon na lang din ang pag-aalala nya para dito. "Hindi ko akalain na mangyayari sa Kuya Lester mo ang nangyari sa amin ng Tito mo, Jena." patuloy ang pag-tulo ng luha ni mommy. "I hope you understand iha kung bakit sa mga susunod na araw, magkikita kami ng Tito Timothy mo. It's for your Kuya Lester." Paliwanag ni mommy. "Nauunawaan ko po mommy. But please, make a promise to me." pakiusap ko kay mommy. Hinawakan ko ang kamay nya bago ako nagsalita. "Mommy, ayoko na po ulit mangyari yung nakita namin ni Kuya Jastin, please lang po. As respect na rin po kay daddy. And please, tell this to daddy. Even if he doesn't care, he should atleast know this." Huminga ng malalim si mommy. "Yes iha. I promise. Hindi na mangyayari yun. Para lang ito sa Kuya Lester mo. And i'll talk to your dad about this, so you don't have to worry okay?" Sabi ni mommy. Niyakap ko si mommy ng mahigpit. "Thanks mommy. Aasahan ko 'yan ah." Hinalikan ako sa noo ni mommy after ko sya yakapin at tumayo na sya lumakad papalapit sa pinto. "It's late na iha. Magpahinga na tayo. I'm sure pagod ka pa sa byahe mo. Good night anak. Binukas na ni mommy ang pinto at dahan dahan itong lumabas ng kwarto, bago nya maisara ang pinto, tinawag ko ulit si mommy. "Yes iha?" tanong nya. "The next time na dumalaw ka kay Kuya Lester, gusto ko sana sumama. Matagal na panahon na rin na hindi kami nagkikita at nagkakausap ni Kuya Lester." mommy smiled. "Of course iha. I'm sure your Kuya Lester will be glad to see you." I smiled then mommy close the door. Hindi kami ganoon kaclose ni Kuya Lester compare kay Kuya Jastin. Pero Kuya Lester treats me like i'm his real little sister. Kaya magaan din ang loob ko sakanya. Yun nga lang, naging madalang ang pagbabonding namin mula nang pinagbawalan namin noon si mommy na makipagkita kay Tito Timothy.

My Arranged MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon