Chapter 3

35 1 0
                                    

"Jena, let's go inside." Sabi ni mommy pagkababa namin ng sasakyan mula sa garahe ng bahay ni Tito Tim. Halos isang taon na rin ang nakalipas nang mapunta ako dito, kami ni Kuya Jas. Halos isang taon na rin pala ang nakalipas nang mahuli namin si mommy dito. Kasama si Tito Tim. Siguro ganoon talaga ang nagagawa ng love, hindi na alam ang tama sa mali. Emosyon ang pinaiiral at hindi ang isip. Sabagay ano naman ang alam ko sa pagiging in-love. Hindi ko pa naman naeexperience 'yun. sabi ng isip ko.

Napatawad ko agad si mommy sa pagkakamali nya. Ipinaliwanag nya sa amin na bago nya nagawa ang pagkakamaling iyon, nag-usap sila ni daddy. As expected, daddy doesn't care if mommy will have an affair to anyone, because daddy accepts the fact that mommy will never be inlove with him, kasi may mahal na iba si mommy. And his focus is being a great father to me and to Kuya Jas. But Kuya Jas and I insisted na we're family. Na hindi pwede yung ganitong set-up. Bilang anak ni mom at dad, gusto namin na mabuo ang pamilya namin, mabuo in a way na mommy and daddy will learn to love each other. Hindi yung pamilya lang kami kasi may anak silang nilulook after. Nagdadasal pa rin kami ni Kuya na sana mabago ang set-up ni mom at dad. Sana mahalin nila ang isa't isa.

Kaya pinakiusap namin kay mommy na layuan si Tito Timothy, para sa amin ni Kuya Jas, and she did. Alam ko mahirap para kay mommy ang layuan si Tito pero dahil sabi namin ni Kuya Jas para man lang sa amin dalawa, pumayag sya. Mommy is a great mother, wala akong masabi sa pagiging mommy nya sa amin ni Kuya. Kaya nyang isakripisyo lahat for us. Kaya nang may tumawag kay mommy nung dumating ako at alam na namin ni Kuya kung sino, hindi na kami kumontra. Kasi malaki na ang isinakripisyo nya para sa amin. Love, love, love, kakaiba ka talaga siguro. Well, buti na lang inexplain sa akin ni mommy at daddy ang tradisyon namin, kasi kung hindi, baka mapagdaanan ko rin ang pinagdaanan ni mommy. Ang hirap 'nun. nakakaloka! sabi ng isip ko as we walk inside the house of Tito Timothy. 

"Nestlyn." i know that's Tito Timothy's voice. Mom smiled and waved her hand to Tito. Then Tito smiled back and then look at where i am standing. "Jena, iha." Nakita ko sa mga mata nya ang pagkabigla nang makita ako. The day the we caught mommy and him, galit na galit talaga ako sa kanya. I even throw him my maldita attitude. But when mommy apologizes and explains everything, nahiya na akong magpakita at magsorry. Ngayon na lang ulit kami nagkita ni Tito and I don't know what  to say or do. "H-Hi Tito." matipid na sagot ko. Tito Timothy smile. Kaya siguro nainlove si mommy kay Tito, ngiti pa lang, kikiligin ka na. sabi ng isip ko. Pero bigla ko ring inalis 'yun sa isipan ko. Siguro dapat magsorry ako kay Tito kahit na matagal na yung insidenteng iyon. 

"Dadalawin mo ba ang Kuya Lester mo? I'm sure he'll be glad to see his little sister" nakangiting sabi sa akin ni Tito Tim. I'm used to call him Tito kasi bata pa lang ako nakikita ko na sya, mommy's bestfriend ang pakilala saken sakanya ni mommy. 'Yun pala, he is my mommy's love. 

"Yes, Tito, but before i go to Kuya Lester, can we talk?" sabi ko. Tinignan ako ni mommy, nababasa ko sa mga mata nya kung bakit ko iyon sinabi kay Tito. I just give her a sweet smile para mapanatag sya and she smiles back. Then Tito answered."Y-Yeah! Of course iha, we can." Then I said. "Thanks Tito. Mommy, sunod na lang po ako sa kwarto ni Kuya Lester, kakausapin ko lang po si Tito Timothy."   "Sige, anak. Tim, maiwan ko muna kayo ni Jena." mommy said then she go to Kuya Lester's room.

"Kamusta na po kayo Tito?" I asked when tito and I were sitting in the sofa. "Okay naman ako, iha. Ayun, lagi ngayong nakabantay sa Kuya mo. I assume nasabi na sayo ng mommy mo what happened." I nodded. "Ikaw kamusta ka na? Don't get offended iha, ngayon lang ulit kita nakita at napansin kong --- "

"Tumaba ako, Tito." putol ko sa sinasabi nya. "I'm sorry iha, please don't --" "Nope tito. Totoo naman po eh." Nakangiti kong sabi sakanya. "Nagbakasyon po ako sa London, in my lolo and lola's house. Naspoiled po ako kaya eto po ang resulta." natatawang sabi ko. Tito feel relaxed nang tumawa ako. "But still, you are more beautiful now. Dalagang dalaga na ang tingin ko sa'yo" Tito smiles. Then I said, "Ahm, Tito, let me go straight. I just want to say sorry for what had happened a year ago. Nadala lang po ako sa galit ko dahil sa nakita ko per---"

"No iha, I'm the who should said that. Jena, I'm sorry, for complicating things and situations. Nahihiya ako sa inyong magkapatid dahil sa nagawa ko sa pamilya nyo. Siguro hindi ko lang matanggap ang nangyari sa amin ng mommy mo, but believe me, pinagsisisihan kong ipilit pa ang sarili ko sa mommy mo kahit na alam kong kasal na sya sa iba. I know you know the real story, but, it's not an excuse na pati kayo ay masaktan." Paliwanag ni Tito Timothy. He hold my hand and sincerely said. "I hope you and your Kuya will forgive me. That moment is a part of the past now. Hindi na ako manggugulo sa pamilya ninyo. Is just that, your Kuya Lester needs your mom at this very depressing part of his life. Kaya ako naglakas ng loob na tawagan ang mommy mo because of my son." I felt the sincerity of Tito in what he's said. Ganoon talaga siguro ang magulang, nagiging desperado para sa anak. Napahanga ako ni Tito sa sandaling iyon, kahit hindi nya totoong anak si Kuya Lester ay itinuring nya itong parang tunay na anak. 

"I understand Tito." tipid na sagot ko. "It's for Kuya Lester."

"Yes, iha. Nothing more. Tanggap ko na ngayon ang sitwasyon namin ng mommy mo. And I know she did that too. Mas importante samin ngayon kayong mga anak namin. Kaya makakaasa kayong hindi na mauulit kung ano man ang nakita nyo." Tito said.

Ramdam na ramdam ko ang sinseridad sa lahat ng salitang binitawan ni Tito. And i feel comfortable. I smiled at him as i started to speak. "Salamat tito. You know Kuya Jas and I only wish that mommy and daddy will love each other as they love us. Mas masaya po kasi iyon di ba?" Tito nodded.

"And naging kontrabida ako sa gusto nyong mangyari ng Kuya Jas mo." Tito smile while saying that. "Hindi naman sa gano'n Tito." naging awkward yung pakiramdam ko sa sinabi ni Tito. But nawala iyon nang magsalita ulit sya.

"Naiintindihan ko Jena. And I hope hindi pa huli ang lahat para sa gusto nyong mangyari. I'm also praying for that. Lahat tayo gustong maayos na ito." Tito replied. Then I heard his phone ringing. He unhold my hand and get his phone on his pocket. "Excuse me iha, i need to pick this up." He stands up and he answer the phone. "Yes, honey? Yeah, nandito na si Nestlyn at yung anak nyang babae, si Jena. Oo, nasa kwarto ni Lester. Si Jena nandito sa sala, nag-uusap kami. Pupunta ka ba dito?.... O sige favorite ni Lester 'yan. See you later honey. Bye. I love you." then he pocketed his phone. Tito look at me and smile. "I moved on" then he laughs. I return a sweet smile to him and said, "That's good for you Tito. Who's the lucky girl?" pangiintriga ko. "Well, she used to be our customer in my restaurant, broken hearted din sya nung magkakilala kami. Then we became friends, hanggang sa nauwi sa relasyon." Tito explained. Masaya ako for Tito at least nakamove on na sya kahit papano sa nangyari sakanila ni mommy. At napanatag na rin ako na hindi na ulit mangyayari ang magawa nila noon.

"Tito, can I go upstairs na? I want to see Kuya Lester." Tumayo ako sa pagkakaupo ko. "Sure, sure, iha. Salamat sa pakikipag-usap sa akin." Tito said. "Thank you din Tito. Sige po akyat na po ako." He nodded. I go upstair and directly go to Kuya Lester's room.

I knocked on the door. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang bumungad sa akin ang isang lalaki sa harapan ng pinto. Nagkatitigan kami. He's so handsome. May kaputian ang balat, matangos ang ilong, matangkad, maamo ang mukha. Jena ano 'tong nararamdaman mo. It's so strange. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito, ngayon lang ako naattract sa isang lalaki ng ganito. Inaamin ko nag nagkakacrush ako sa mga male celebrities. Because sikat sila at alam kong admiration lang ang mga iyon. But this guy in front of me, hindi naman artista or singer, pero bat ganito yung nararamdaman ko. Bigla akong napayuko ng maramdaman kong umiinit ang pisngi ko. Shit Jena, nagbablush ka ba dahil tinititigan ka nya.?!  tanong ko sa sarili. 

"Drew, si Jena na ba 'yan?" I heard the voice of Kuya Lester. 

My Arranged MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon