"My princess!" isang masayang boses ang narinig ko sa kabilang linya nang sagutin ko ang tawag sa cellphone. "Daddy! Good morning po!" masiglang sagot ko kahit na kagigising ko lang. "Nagising ko ba ang prinsesa ko? Namiss ka kasi ni Daddy kaya napatawag ako." Ang sweet talaga ni Daddy. He's always making time to talk to me despite of his busy schedule. Walang araw na hindi nya ako tinatawagan simula nang magbakasyon ako dito sa London. "Haha! Dad naman parang hindi tayo magkausap kahapon." natatawang sabi ko dahil kahapon lang ay magkavideocall kami after ko mamasyal sa isang mall. "Kahapon lang ba yun? Akala ko matagal na yun, iha. Well, i really really miss you my princess. Isang buwan na kitang hindi nayayakap." sabi ni Dad sa kabilang linya. After ko kasi grumaduate sa kursong Business Ad, nagpasya akong magbakasyon muna dito sa London, reward na rin sa sarili dahil sa wakas ay degree holder na ako. Nandito rin kasi si Lolo at Lola, daddy's parents kaya dito ako nagdecide magbakasyon. "I miss you too, Daddy. Don't worry nakabili na ako ng ticket pauwi dyan sa atin. Sa makalawa po flight ko."masayang balita ko kay Dad. "Talaga, anak? Pero akala ko ba 3months kang magstay dyan kila Lola mo? Something wrong?" Biglang nagbago ang boses ni Dad, halatang nagaalala sa biglaan kong pag-uwi. "Hahaha! Dad wag ka ngang nega. Wala pong problema. Nakausap ko na si lolo at lola about this. Sobrang relax na ako kasi spoiled ako kay lolo at lola eh. hahaha! baka sa sobrang relax ko Dad, makalimutan ko na yung pinagaralan ko. haha! I'm ready to work na! At ayaw mo nun, Dad, uuwi na ang prinsesa sa kanyang mahal na hari" sabi ko kay Dad upang mawala ang pag-aalala nya. Ang totoo nyan nabobored na ako dito. Hindi naman kasi ako masyadong namamasyal. Minsan aayain lang ako nila lolo at lola na kumain sa labas. Madalas ako sa kwarto, nagiinternet lang at lumalabas lang ako para bilin yung nakita ko sa internet na pwedeng ipasalubong kila Dad, Mom at sa nag-iisa kong kapatid, si Kuya Jas. Napangiti ako nang magsalita si Dad, "Syempre masaya ang hari dahil makakasama na nya ulit ang kanyang prinsesa! Sige itext mo sa akin ang oras ng flight mo at yung dating mo dito, at ang hari mismo ang susundo sa'yo. O sige anak malapit ng magsimula ang meeting ko. Masaya ako sa balita mo. Magingat ka lagi. Mahal na mahal ka ni Daddy" sweet ni dad anu? swerte ko.hehe. "I love you too Daddy. Sige Dad sunduin mo ako ha. Saka Dad, pwede kayo ni mommy sumundo sa akin? Please?" request ko kay Dad. Matagal sya bago nakasagot. "O sige anak, sabihin ko sa mommy mo. tawagan mo rin sya. I'm sure she'll make time for you para masundo ka namin. Sige na anak, i need to end the call." and the call ended.
"Oo naman anak. Actually may meeting ako nun pero icacancel ko. I miss you so much iha. Kausapin ko na lang ang Dad mo na kami ang susundo sayo sa Sabado" masayang sabi ni mommy sa kabilang linya. Tinawagan ko kasi sya after naming mag-usap ni Dad. "Talaga mommy? You'll do that for me?" masayang masaya ako sa sinabi ni mommy. Narinig ko si sya na tinawag si Ms.Rica, ang secretary nya at inutos nya na ireschedule yung meeting nya sa sabado. "Ayan anak, free na ako sa makalawa, masusundo na kita" excitement ang ramdam ko sa boses ni mommy. Ang sarap sa pakiramdam na talagang naglalaan sila ng oras para sa akin. Eversince ganun na sila mom at dad. Hands-on sila sa amin ni kuya. kaya napakaswerte naming magkapatid dahil sila ang magulang namin. "Wow mommy! Thank you po! At dahil dyan may pasalubong ako sa'yo. Pero secret muna. Sa sabado na lang. hehe" sabi ko kay mommy. "Ikaw talaga anak, nagabala ka pa. eh yung umuwi ka lang dito, sobra sobrang saya ko na." sabi ni mommy. "Ganun ba mom? Gusto mo iwan ko na lang 'to kila lola? Hehehe" pabiro ko kay mommy. "Ay anak naman biro lang eh. Pakipot lang si mommy" nagtawanan kami. "O sya anak see you on saturday. I miss you. I love you so much!" sweet din ni mommy noh? hehe "Sige mom, see you. love you too." the call ended.
Kanina pa pala nagumpisa ang kwento, hindi ko man lang naipakilala ang sarili ko. haha! Ako nga pala si Jem Natasha Valdez, ang princess ni Mr. Jonathan Valdez at Mrs. Nestlyn Valdez. Dalawa kaming anak ni daddy at mommy. Ang panganay na si Kuya Jastin Nathniel ay isang Civil Engineer, at ang bunso, ang inyong lingkod. Kagagraduate ko lang sa kursong Business Ad. Nagmana siguro ako sa mommy at daddy ko dahil gusto kong pag-aralan ang pasikut-sikot sa business. Bago naging magasawa si mommy at daddy, pareho silang may mataas na posisyon sa kani-kaniyang family business. At dahil sa arranged marriage ni mommy at daddy, nagmerge ang kumpanya at si daddy na ang CEO ngayon.
Oo, arranged marriage si mom at dad. Hindi naman sa hindi nila gusto ang isa't isa. Pero yung marriage kasi nila, hindi sa love nagumpisa. It's all set-up. Noong bata pa kami ni Kuya, ipinaunawa na ito sa amin na ganito ang sitwasyon nila. At ito rin ang mangyayari sa amin kasi ito ang tradisyon ng pamilya. Kaya siguro hands-on talaga si mommy at daddy sa amin ni kuya, pinuno nila kami ng pagmamahal, kahit silang dalawa, hindi ganun kalove ang isa't isa. Wala pang bumabali sa tradisyong ito. Walang nagtatangka, at ayaw ni mommy at daddy na kami ang bumali nun. At iyon din ang gusto namin ni Kuya, ayaw namin na kami ang babali sa tradisyon. Kaya tanggap namin na ikakasal kami sa taong hindi namin mahal. Unfair kung iisipin di ba? Pero salamat kay mommy at daddy kasi ipinaintindi nila sa amin ni Kuya habang maaga pa.
[SATURDAY]
Past 3:00 PM nang makalabas ako sa Airport. Nakita ko agad sila mommy at daddy, kasama si Kuya Jas, kumakaway sila sa akin. Lumapit sa akin si kuya at niyakap ako ng mahigpit. "Jena, namiss kita!" Close kasi kami ni Kuya Jas. Bukod sa nag-iisa ko syang kapatid, hindi rin kasi ako nakikipagkaibigan sa mga lalaki. "Kuya! Mapapatay mo ko sa sobrang pagkamiss mo saken." natatawang sabi ko. Sobra kasing higpit ng yakap nya. Halatang namiss nga ako. haha! "Ay sorry. Miss ka lang talaga ni Kuya kaya sumama ko sa pagsundo sa'yo. Nakakatampo ka nga kasi si mom at dad lang ang tinawagan mo." At nagdrama pa itong kuya ko. "Eh syempre ayokong istorbohin ang bagong kasal dyan.haha!" Bago kasi ako magbakasyon, ikinasal na si Kuya, as usual, arranged marriage ito. Ikinasal sya kay Ate Diane, isang lawyer. Bestfriend ni daddy yung daddy ni Ate Diane, at nasa tradisyon din ito ng arranged marriage kaya silang dalawa ang ipinakasal sa isa't isa. Isang matamis na ngiti ang inibigay ni kuya bago ito nagsalita. "Basta para sa princess namin, lagi akong may oras." sabay halik sa noo. Princess talaga kung tawagin ako ng family ko. Syempre, ako lang ang nag-iisang anak na babae. Itinulak ni kuya ang mga bagahe ko na nakalagay sa luggage trolley at lumapit na kami kila mommy. "Dad! Mom!" yakap ang sinalubong ko sakanila. "Jena, anak!" sabi ni mommy na masayang masaya sa pagdating ko. "Lika na uwi na tayo para makakain at makapagpahinga ka na. I'm sure pagod ka sa byahe. Ipinagluto ka ng Mommy mo ng favorite mong kare-kare." sabi ni daddy pagkayakap ko sakanya.
"Mommy ang sarap talaga ng kare-kare mo! Namiss ko ito!" himas-himas ko ang aking tyan matapos kumain. Busog na busog ako sa inihanda nila para sa akin. "Jena, don't get offended, pero nahiyang ka ata sa London." sabay tawa ng malakas ni Kuya Jas. tumawa na rin si mommy at daddy kasi napansin din nila ang paglaki ng braso ko. Oo, aminado akong nadagdagan ang timbang ko. Sarap kasi ng buhay ko sa London, alagang alaga ako ni lolo at lola. Nakangiti akong sumagot kay kuya. "I hate you Kuya. Di kita bati! haha! Oo nga eh, pinabayaan ako sa kusina ni lolo at lola. huhuhu. sarap din kasi magluto ni yaya Lina kaya madami ako nakain doon. Tapos hindi naman ako naggym doon kaya nastore lahat sa katawan ko yung kinakain ko. Napagastos tuloy ako sa damit kasi sumikip yung mga damit na dala ko papunta doon. Ayun, excess baggage tuloy ako kanina. haha!"
"You're still my sexiest princess, Jena." sabi ni Daddy.
"I know Dad! Ako lang naman anak mong babae, eh." saka nagtawanan ulit. Biglang nagring ang cellphone ni mommy. "Excuse me. I need to answer this." Lumayo sya sa amin at sinagot ang phone nya. Pagkatapos mag-usap, nagpaalam sa amin si mommy. "Iha, bawi ako maya when I come back, magrest ka muna then pagdating ko, kwentuhan tayo ha? Importante lang kaya dapat kong puntahan" sabay halik sakin sa noo. Humalik din sya kay Kuya Jas saka umalis. Natahimik ang lahat. Tinignan ko si Daddy, patuloy lang sya pagkain. Tumingin ako kay Kuya Jas, nakatingin din sya sa akin. Isang makahulugang tingin yun at nagtutugma sa iniisip namin kung saan pupunta si mommy..... dun sa taong mahal nya.
BINABASA MO ANG
My Arranged Marriage
RomanceWhen an Arranged Marriage becomes right. Jem Natasha's Story...