Chapter 1

173 34 3
                                    

Chapter 1: Clams

Kinabukasan ay ganoon nga ang nangyari. Sinundo ako ni Divine at Matt sa bahay at sinamahan akong bumili ng damit. Sa ngayon, pumipili kami ni Divine ng magandang dress habang si Matt ay may katawagan naman sa telepono sa labas lang ng boutique. I wonder if he's taking over their family business.

"Wala ka talagang sense of fashion, ano?" Pailing iling na sambit ni Divine habang tinitignan ang mga hawak kong damit. Ngumuso ako roon. I admit, she has better taste in clothes than me so instead of arguing with her, I put it all back. Ipinresinta niya sa akin ang hawak hawak niyang dress na off-shoulder at may kulay na baby blue.

"Maganda ang black dress pero ayaw kong magmukha kang matanda and the design, it's a no." Komento niya sa damit na hawak hawak ko kanina. Binigay niya sa akin ang baby blue na dress at saka tinuro ang fitting room.

"No doubt that men likes matured women. Pero ang maturity na hanap nila ay nasa personality at hindi sa pananamit. Usually, ang gusto nila ay revealing ang suot but since we're not aiming you to become a prostitute, little bit of exposed skin is enough. Afterall, we want you to look younger. Right?" Detalye niya sabay tingin sa katabi niyang si Matt. Hindi ko na napansin na natapos na pala siya sa tawag kanina. Matamang tumango si Matt kaya napatingin na lang ako sa dress na hawak ko at naglakad papunta sa fitting room para isukat. Bago pa ako makapasok ng tuluyan doon ay narinig ko pa ang sinabi ni Matt kay Divine.

"My cousin is here too, so I arranged a quick snack with him after this. Okay lang ba sayo 'yon?" Hindi ko na narinig ang sagot ni Divine kay Matt. Sinukat ko ang damit at tinignan ang sarili ko sa salamin. Kitang kita ang humihiyaw na collar bones ko at ang kaputian ng balat ko. Magaling talaga sa pananamit ang kaibigan ko! Lumabas ako ng may ngiti sa labi para ipakita kay Divine ang dress.

"You look beautiful! I love it! What do you say?" Nakatayo akong pinuri ni Divine at saka tinignan ang nakaupong si Matt. Ngumiti siya at saka tumango.

"He is of no use when it comes to this stuff. Really!" Mataray na umirap si Divine kay Matt at saka binalik ang tingin sa akin. Ngumiti siya at saka umikot sa akin.

"That and a pair of laced up heels would be perfect!" Sabi niya at saka ngumiti. Ngumiti rin ako pabalik at saka sinabi ang naiisip sa pinili niya para sa akin.

"I think I'll rock this!" Opinyon ko. Bahagya naman siyang humagikgik.

"Of course! You're Priscilla Celine! You can rock anything." Sagot niya at saka tinignan ako mula ulo hanggang paa. Halata ang pagiging proud niya sa napiling dress para sa akin.

Matapos mabayaran ang damit ay dinala kami ni Matt sa isang Italian Restaurant. Kinausap siya ng isang attendant at saka kami dinala sa loob. Tumigil ang attendant sa isang table na may kaunting layo sa ibang customers. Naupo kami sa mga bakanteng upuan at doon ko lang napansin na may dalawang taong naghihintay pala ng pagdating namin. Binigyan kami ng attendant ng menu at saka bahagyang dumistansya sa mesa namin.

Isang lalaki ang nasa harap namin ngayon na paniguradong mas matanda sa aming tatlo. Ang kahabaan ng buhok niya ay dumidikit na sa kaniyang noo kasabay ng pagdila niya sa labing mapupula. Napalunok ako nang mapagtantong nahuli niya akong nakatingin sa labi niya. Agad akong nag-iwas ng tingin.

Tumama ang tingin ko sa babaeng katabi niya na siguro'y kaedaran niya. Ang mahabang buhok ay nakatali ng maayos. Bumaba ang tingin ko sa kaniyang leeg na may kumikintab na kwintas at saka sa damit niyang kulay itim na bahagyang inilalabas ang kayamanan sa dibdib.

Kunot noo kong tinignan ang kaibigan ko ngunit ngiti lang ang iginawad niya sa akin. Pormal siyang tumingin sa harap kaya umupo na lang ako ng maayos. I thought we're just going shopping?

Built Specially For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon