Chapter 2

37 10 2
                                    

First crush

"Feeling nerd tayo ngayon, fren ah?!"biglaang sigaw ni Angelo sakin.

"Shhhh" si Ms. Librarian

Andito kasi ako ngayon sa library. Nagbabasa ng wattpad book. Joke! Hahaha. Gusto ko nalang tapusin yung mga assignments namin sa araw na ito para mamaya, wattpad nalang! Yuhooo!! Parteeee!!..

Napapahiyang umupo si Angelo sa harap ko.

"Ayan kasi! Ang ingay ingay. Alam mong nasa library ka!." pabulong ko sa kaniya.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito? Magkasama lang kayi ni Raven kanina ah?"

"Ano ba sa tingin mo ang ginagawa ng isang estudyante kapag nasa library?" tanong ko sa kaniya sabay taas ng kilay.

"Ahhmm.. nagbabasa? Nagsusulat?.."

"Yun naman pala eh!. Andito ako para magbasa ng may kinalaman sa mga assignments natin tsaka ko isusulat sa notebook ko. Gets mo?"

"Oo na! Ang aga mo namang gumagawa?"

"Syempre, para mamaya.. WATTPAD NALAAANGGG!!YUHOOO! YEEHHH!"

"Sshhh.. warning Ms. Halifax." Sabi ni Ms. Librarian sakin.

"I'm sorry Miss." paghingi ko ng tawad kay Miss.

"Hahahahaha.. ambilis ng karma diba teh? Bwahahahaha" halos mapahawak pa siya sa tiyan niya sa mahina pero sobrang pagkatawa. "By the way, nasaan nga pala si fafa Raven?" tanong niya bigla pagkatapos tumawa.

"Nasa court. May practice sila ng basketball" sagot ko.

"Haayyy.. kaya ako pumunta dito kasi nakita kitang pumasok dito. Akala ko pa naman, kasama mo si fafa Raven." Malungkot na sabi niya.

"Bala ka diyan! Basta ako, tatapusin ko na'to at huwag kang magtangkang istorbohin ako ha? Naku! Masasapak talaga kita!!"

"Oo na! Oo na!".

Sa kalahating oras kong naglagi sa linrary ay hindi naman ako inistorbo ni Angelo. Sa sobrang tahimik, gumaya nalang siya sa king anong ginagawa ko. Tinapos namin ang aming mga assignments ng sabay at lumabas na.

Pagkalabas namin ng library...

"Go Tristan! Whoo!"

"Ang pogi pogi mo Tristan!"

"Sheettt!! Tumutulo yung pawis niya! Bigla tuloy akong nauhaw!"

Yuck! Grabe ka naman ate! Ewww..

"Go Raven! We love yoouuuu!!"

Uyy.. hanep. Dumadami ang supporters ng bedpren ko ah. Hmmm..

"Kyaahh! I love you Raven!"

"Anakan mo na ako Raveeennn!!"

Luh? Baka magsisi ka bigla diyan ate. May sira sa ulo yan! Nakuu..

"Pakibilisan naman ang paglalakad, teh! Naglalaro na si Fafa Raven ko eh!" ani Angelo sabay kaladkad sakin.

Tinanggal ko ang kamay niyang nasa braso ko. "Sige. Mauna ka nalang, fren. Ayokong makipagsiksikan diyan."

"Ang arte neto! Bala ka nga diyan" sabi niya sabay takbo at nakipagsiksikan na.

Sumilip lang ako sa loob ng court mula sa labas. Nakita ko ang bespren kong patakbo takbo at sinisubukang agawin ang bola mula sa lalaking matangkad, maputi, at mukhang may lahi. Parang ngayon ko lang yata napansin ang mukhang ito ha?. Actually, hindi pala mukha kasi nakatalikod siya habang dinidribble ang bola na sinubukang agawin ni Raven pero huli na ang lahat dahil nai-shoot na ito ng lalaking matangkad na ito. Nang sa wakas ay nasilayan ko na ang taglay niyang kagwapuhan, biglang nalaglag ang panga ako. Kitang kita ko kung paanong nag-slow motion ang paligid. Maging ang pagpatak ng pawis na nagmumula sa kaniyang noo ay naging slowmo rin. Pinunasan niya ang kanyang pawis gamit ang pang-ibabang bahagi ng jersey niya kaya bahagyang sumilip ang ulam niya. Este! Ang tiyan niya. Hutek! May sumilip na dalawang pandesal mula sa kaniyang tiyan mga kaibigaann! Bigla akong napakagat-labi. Parang nakakita ako bigla ng fictional character sa personal ha? Hinawakan ko ang gilod ng akin labi sa pag-aakalang tumulo ang laway ko. Nagising lang ako sa ulirat ng biglang naghiyawan ang mga estudyante.

"Sheettt!! Nagutom ako bigla!"

"Aahhhhh! I love you so much Tristaaaann!!"

Sino ba yang tristan na sinisigaw nila? Ni hindi ko nga kilaka yung ibang naglakaro diyan eh.

"Miss, sino ba yung tristan?" tanong ko sa babaeng nakatabi ko dito sa labas.

"Hindi mo kilala?" tanong niya sakin na parang napaka bobo ko naman at hindi ko kilala ang tristan na sinisigaw nila.

Hoy ate! Magtatanong ba ako kung kilala ko? Hutek na yan!

Nginitian ko nalang siya.

"Yun si tristan oh. Yung napupunas ng pawis. Yung matangkad, yung pogi, yung nay masasarap na-" hindi na niya natapos ang sinasabi niya dahil pinigilan ko na siya.

"A-ah.. hahaha. Okay. Salamat"

Grabe naman 'to. Tinanong ko lang kung sino yung tristan. Ang haba na nf mga pinagsasabi..

Tristan? Hmmm..

Si Tristan na matangkad..

Si Tristan na pogi..

Si Tristan na magaling mag basketball

Si Tristan na maraming nagkakandarapang babae

Si Tristan na...

Si Tristan na ano..

Si Tristan na may yummy Abs~..

'Hay.. ano ba yang naiisip mo Nisha! Tumigil ka nga!'

Infairness ha? Ngayon lang ako naattract ng ganito sa isang tao ha?.

Tristan?

I think, he's my crush. My first crush.



What if...Where stories live. Discover now