I'm Sorry Bespren
Pagkatapos ng nagawa ko kay Raven, buong araw niya akong hindi pinansin. Kaya ang resulta, walang Raven ang maghahatid sakin sa bahay. Haisst.. pano na yan? Hindi pa naman ako marunong mag-commute. Hindi ko na kasi dinala yung car ko ngayon kasi sinundo naman niya ako kanina
*Beep! Beep!
May isang color black Cadillac ELR ang bumusina sa harap ko. Ibinaba ng nakasakay dito ang bintana.
"Wanna join me a ride?"
Wow.. As in wow talaga. He is so handsome with that car huh?.
"Uhh.. thank you Tristan pero kaya ko namang umuwi mag-isa."
"It's okay. May atraso ako sayo kaya hayaan mong makabawi ako sayo. Sige na Nisha. Sumakay ka na.." aniya sabay ngiti. Nagulat ako sa sinabi niya. Paano naman niya nalaman yung pangalan ko?..
"Sige na, Nisha.. sakay na" yaya ulit niya sakin nang nakangiti."A-ah.. okay" sagot ko sa kanya. Lumabas siya ng sasakyan niya upang pagbuksan ako ng pintuan. Lalapit na sana ako ng may bigla akong narinig na pamilyar na boses.
"Tss"
"R-Raven" nabigla ako sa biglaang pagsulpot niya. Naka school uniform parin siya.
"Uy! Hi tol.. pasensya na nga pala kanina ah?" biglang singit ni Tristan at akmang lalapit siya kay Raven pero-
"Diba sinabi ko na sayo kanina? Huwat mo akong tatawaging tol dahil hindi tayo magkapatid at lalong hindi tayo close" mahinahon na sagot naman ni Raven na nagiigting na ang panga at alam kong nagpipigil siya ng galit. Umalis na siya kasama ang mga co-players niya. Nagui-guilty parin talaga ako hanggang ngayon. Haisstt.. gusto kong magsorry sa kaniya. Bespren ko yun eh.
"Pagpasensyahan mo na si Raven,Tristan"
"Ahh.. okag lang. Sige na. Pumasok ka na"
Habang nasa biyahe kami, nagpatugtog si Tristan ng mga kantang familiar din naman sakin habang sinasabayan niya ito..
" Wala na'ng dating pagtingin
Sawa na ba saking lambing..
Wala ka namang dahilan
Bakit bigla nalang nang-iwan
Di na alam ang gagawin
Upang ika'y magbalik sa'kin..
Ginawa ko naman ang lahat
Bakit bigla nalang naghanap.."
Habang tinititigan ko siyang kumakanta, parang natutunaw ang puso ko.. Alam mo yun? Kahit hindi naman masyadong maganda yung boses niya pero damang-dama niya yung kinakanta niya? Malamig naman yung boses niya pero hindi ganon kagandahan. Mas maganda pa nga ako eh *insert: dalagang pilipina pose* charooott...
"Saan nga pala yung daan papunta sa inyo Nisha? Pakanan ba o pakaliwa?" biglaang tanong niya nang nakatingin parin sa kalsada..
"Ahh.. pakanan. Hindi kasi ako marunong mangaliwa" whaattt?? Ano bang pinagsasabi mo diyan Nisha? Baliw ka na ba?
"Huh?"
"Ah.. wala. Basta iliko mo nalang sa bandang kanan"
"Okay"
Hindi nagtagal ay nakarating na kami sa bahay. Inalok ko si Tristan na pumasok muna para mag-meryenda pero tumanggi siya. May gagawin pa raw siya. Kaya nagpasalamat nalang ako sa kaniya sa paghatid sakin. Pagkapasok ko sa bahay.
"Sino yun, Nisha?" tanong ni kuya habang pababa ng hagdan. Naka formal attire siya. Tinignan ko ang oras sa aking wrist watch. 5:30 pm na pala. Papasok na siya sa trabaho. Hindi ko siya sinagot. Dumiretso ako sa kusina namin at binuksan ang ref. Nagtingin ako kung may fresh milk. Hindi kasi ako mahilig sa mga softdrinks. Tsaka isa pa, may acid reflax ako. Nang may nakita akong fresh milk, parang biglang nagkaroon ng mga stars sa gilid ng fresh milk at may mga fireworks akong nakikita. Ang babaw lang talaga ng kaligayahan ko..
YOU ARE READING
What if...
FantasyNisha Cassandra Halifax is a wattpad addict girl. Minsan na din niyang naisipang maging isang wattpad author pero sa kakagawa niya ng story, hindi niya natatapos. Mas nagfocus siya sa pagbabasa ng mga story ng mga paborito niyang wattpad authors. Na...