Lola
Beep! Beep!
Nagising ako sa malakas na busina ng sasakyan. Napabalikwas ako ng bangon at agad dumungaw sa bintana ng aking kuwarto. And there I saw my bestfriend's car. Nakatingin siya sakin sabay turo ng kaniyang wrist watch. Nagtatanong naman akong tumingin sa kaniya. Siya naman ay ngingiti-ngiti lang. And then I realize what he wants to say.
Tinignan ko ang wall clock na nasa'king kuwarto.7:40 am
Ano bang meron? Saturday naman ngayon ah. Ano bang ginagawa ng kumag na yan dito. Mamaya mabinat pa yun jusko.
Nagpasiya akong magsuklay saglit at bababa na. Pagkabukas ko ng pintuan ng kuwarto ko ay ang akma ring pagkatok ni Raven.
"Huy! Ang aga-aga nambubulabog ka rito." sabi ko.
"Just wanna have fun with you today" aniya sabay ngiti.
"Anong have fun ka diyan? Mamaya mabinat ka. Tapos ako na naman mag-aalaga sayo. Ang arte mo pa naman. Parang babae. Tsk."
"Ililibre na nga lang kita. Ano ayaw mo?"
Biglang nagningning ang aking mga mata. Minsan lang kasi ito malibre. Kaya kailangan nating sulitin ang mga ganitong bagay.
"Hintayin mo ako sa sala. Magbibihis lang ako"
"Okay" aniya sabay ngiti at tumalikod na para pumunta sa aming sala.
After almost 1 hour of preparation, tumingin ako sa aking repleksiyon sa aking salamin. I'm wearing a black dress paired by my light pink korean shoes given by my mother. Sa kulay palang ng suot ko ngayon, malalaman na agad ng kung sinong makakakita sakin ngayong araw kung anong Kpop Girl group ang kinahihiligan ko.
Pagkatapos kong mag-ayos ay bumaba na rin ako.
"Let's go?" tanong ko sa bestfriend ko na nakaupo sa aming mahabang sofa sa sala at sa harap niya'y sina mommy at daddy. Nag-angat siya ng tingin sa akin at ngumiti."Tito, Tita. Mauna na po kami" pagpaalam niya kina mommy.
"Huh? Eh hindi pa kumakain itong si Isha eh. Kumain ka muna, baby. Marami akong pinaluto kina Manang El." bigla namang nagsalita si mommy.
"Sabay nalang po kaming kakain sa labas ni Cass, tita. Huwag po kayong mag-alala, tita. Ligtas po ang tiyan niya kapag kasama niya ako" biro ni Raven. Natawa naman sina mommy at daddy sa biro ni Raven. Nakitawa nalang din ako para kunwari bumenta sa'kin yung joke niya.
"Sige po, Mom, Dad. Una na po kami" pagpaalam ko.
"Ah.. oh sige. Mag-iingat kayo ha. Dito ka na mag-dinner mamaya, Raven." anyaya ni mommy kay Raven. Naku naman. Inalok na siya ni mommy. Tatanggi pa ba itong kumag na'to. Basta usapang pagkain, hindi yan tumatanggi.
"Yown! Sige po tita. Una na po kami"
"Ingat kayo" si daddy.
Palabas kami ng gate ng biglang nagsalita si Raven.
"Sigurado ka na ba diyan sa suot mo ngayon?" biglang tanong niya."Ano ba namang tanong yan?"
"Wala lang." natatawa siya habang sinasabi yan.
Hinampas ko siya sa braso gamit ang sling bag ko. "Anong nakakatawa dun?" sinamaan ko siya ng tingin. Ano bang meron sa kumag na'to. Balak pa yata akong pag-tripan.
"Wala. Basta. Pumasok ka na nga. Para kang busina ng sasakyan. Ang sakit mo sa tenga." sagot niya at paunti-unti akong tinulak sa loob ng kotse niya. Saka ko lang naintindihan ang ibig niyang sabihin nang nasa loob na ako. Walang hiyang kumag 'to! Iniisip ba niyang masakit sa tenga ang boses ko?!. Hinintay ko lang siyang pumasok rin. At nang pinaandar na niya ang sasakyan at nakaalis na kami sa tapat ng bahay...
YOU ARE READING
What if...
FantasyNisha Cassandra Halifax is a wattpad addict girl. Minsan na din niyang naisipang maging isang wattpad author pero sa kakagawa niya ng story, hindi niya natatapos. Mas nagfocus siya sa pagbabasa ng mga story ng mga paborito niyang wattpad authors. Na...