chapter 3-memory of you part 2

115 4 0
                                    

AYUMI'S P. O. V

Shit... Shitt... Shit...

Paulit ulit akong nagmumura habang naglalakad sa open field ng malaking university nato. Bakit ba kasi anlayo nang parking lot sa classroom ko. Hinawakan ko ang tagiliran ko. Awww!!  Nakalimutan kong dalawa nga pala ang tama ko. Isa sa kanang tagiliran at isa sa kanang balikat. Nagamit ko ang kanang kamay ko para sana tukupin yung sugat ko sa tagiliran dahil kanina pa sumasakit sa kalalakad ko pero dahil kanang kamay ko ang ginamit natural nagalaw ang balikat ko kaya sumakit din yung sugat ko doon.pero Shet na malagket!! Mas masakit yung sa balikat dahil tama ng bala ng baril yon. Yung sa tagiliran ko kasi saksak ng hunting knife lang pero takte di ko nakita yung mismong hunting knife baka mamaya kinakalawang na pala yun, Mamatay pa ako sa tetano. Bwisit!! .napangiwi ako sa sakit.

Dapat pala nakinig ako kay Kendra nung sabihin nyang umabsent nalang kami. May tama rin sila katulad ko pero mas malala yung akin. Harapan kasi akong nakikipag patayan samantalang sila nakatago. May konting galos sa mukha si Kendra at  si Cyrus naman ay daplis lang ng bala sa leeg at kaunting galos sa mukha. Tss ang hirap ng kalagayan ko akala ko di na kami makakalabas ng buhay sa lugar na iyon kagabi.

Flashback

Naka tambay kaming tatlo sa pad ni Cyrus ng ibalita nya sa amin ni Kendra na may papasukin kaming bahay para kuhanin ang isang flashdrive na ninakaw daw sa isang top secret government agency.

"kailan pa tayo nagmalasakit sa gobyerno? "sabi ni Kendra habang nakataas pa ang kilay

"actually hindi naman talaga tayo nagmamalasakit sa kanila. We will go there to get the flashdrive and give it to the big boss "Cyrus smiles

"nanakawin natin ang ninakaw nila sa gobyerno. "tss

"really?? That's cool. I'm in!! "Kendra

"I'm in too.Umi??"Cyrus

"pshhh. Pass"di Gawain ng isang tulad ko ang magnakaw. Assassin lang ako hindi mandarambong.

"it's OK. We can handle it without you naman. "Kendra

"isang batalyon ng mga lalaking armado tapos tayong dalawa lang!? Ok ka lang Kendie?? "Cyrus

"stop calling me Kendie. Iwww!!"

I smirk. Wala silang silbi pag wala ako. Tumayo ako mula sa couch na kinauupuan ko at pumunta sa blue corner. Kung itatanong nyo kung ano ang blue corner, ito yung lugar na pinagtataguan ko ng gamit ko sa bahay ng iba. May blue corner din ako sa bahay ni Kendra at sa headquarters. I enter my password and presto!! Bumukas na. Rifles,revolvers,pistols and different kinds of assassination knives. May itim na mga damit sapatos at gloves. Pshhh.. Napangiti ako. Kumuha ako ng black na sports shirt  pulang jacket at black na shorts. Chaka pulang sapatos.

"get dressed. Samahan ko na kayo. "

Nag punta kami sa isang lugar na halos gubat na yata. O gubat nga talaga to??  Ang sabi ni Cyrus may puting bahay sa gitna ng masukal na gubat nato. Lintek goodluck sa legs ko. Bahala ng mangati ito mamaya.  Nilakad lang naming tatlo yung gubat papunta dun sa bahay na sinasabi ni Cyrus ang mahirap lang madilim at di kami pwedeng gumamit ng kahit anong ilaw.muntik ko ng murahin si Cyrus ng makita ko ang sinasabi nyang bahay na papasukin namin. Isang NAPAKALAKING mansyon at pinaliligiran ng mga armadong panget na mga lalaki .

"ako ang papasok sa bahay. Hahanapin ko yung flashdrive. Kendra the control room is located at the third floor west wing ng mansion. Umi alam mo na siguro kung anong gagawin mo.? "Cyrus

Tiningnan ko sya at tinanguan. I will serve as the bait. Ako yung magpapakita at magpapahabol para makapasok silang dalawa. In short ako ang makikipagpatayan para sa lintek na flashdrive na yon. Binigyan nya kami ng earphones para maka connect pa rin kami sa isat isa. Goodluck sa paghahanAp nya sa NAPAKALAKING bahay na iyan. Naunang umalis si Kendra. At kung saan man sya papunta bahala na sya don. Care ko naman sa kanya?? Pumunta si Cyrus sa east side at nag tago sa isang malaking puno. I smirk. Here we come assholes.

The Assasin's next Target (on going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon