Airee
"Ano bang nangyari sayo girl at para kang pagod na pagod?"
Ria asked me habang nakatingin sakin na para bang iniisip nya kung anong ginawa ko at sobrang tamlay at lanta ko. I just closed my eyes again. Nasa kwarto ko parin ako. Gusto ko lang talaga kasing matulog at humiga buong araw. I don't think I can walk properly. I feel so sore. Buti nga at naka uwi pa ako after ng nangyari sa studio.
Matapos kong makatulog, nang magising ako wala na sya doon. May iniwan lang syang note na naka sticked dun sa paper bag na dala nya. A dress and a pair of undergarments ang nakalagay sa paper bag na yun. Naisip ko tuloy na plinano nya na talaga lahat dahil ready talaga sya at may dala syang pamalit ko.
"Hoy girl!"
Untag ni Ria sakin.
"What?"
Iritado kong tanong.
"What ka dyan! Aminin mo nga sakin? Nakipag sex ka no?"
Napamulat ang mata ko sa sinabi nya.
"Ano bang pinagsasasabi mo dyan?"
I said trying not to give her any idea that she's right. I rolled my eyes on her and turned my head on the opposite side.
"Kasi kahit na para kang bedridden dyan, yung mukha mo parang.. alam mo yun.. blooming in a puyat way."
She concluded. Nakakaloka naman tong babaeng to. Ang daming alam sa mundo.
"Pwede ba Ria, stop making conclusion sa isang taong gustong magpaka bulok sa room nya."
"Well, I'm just telling you my thoughts. Marami kang kailangang tapusin na mga artwork for your exhibit right? Kaya nakakapagtaka na andito ka lang at binuburo mo sarili mo sa kwarto."
I sighed because of her never ending observation. Nakakapagod din palang magkaroon ng matalinong psychologist na friend at isama mo pa ang pagka daldal nya. Sumasakit tuloy ang ulo ko. Masakit na nga ang katawan ko dadagdag pa sya.
"I'm just not in the mood to finish anything. Wala ring pumapasok sa isip ko."
It was true actually. Wala talagang pumapasok sa utak ko kundi yung nangyari samin ni Taehyung sa studio. Sa totoo lang gusto ko ng lumipat ng studio. I can ditch the contract that we had a few days ago. Wala naman kasi akong pinirmahang kontrata at wala parin naman akong natanggap na bayad sa kanya. So wala syang habol.
The problem is, saan naman ako makakahanap ng bagong studio? At isa pa, wala na kong pera na pwedeng maipambayad. Ni paubos na nga din ang budget ko for my daily needs.
"God! Ano na bang gagawin ko!?"
I unconciously burst out my thoughts. Ria was looking at me as if I've gone crazy already.
"Malala kana girl. Pa check-up ka kaya."
"Di ko kailangan ng check-up. Pera ang kailangan ko."
Nakasimangot kong sabi sa kanya.
"Oh? Eh sabi sakin ni Leixxa may nag offer daw ng malaking halaga sayo to make a.. portrait, I think?"
Napakunot naman ang noo ko. Saan naman nila nasagap yun? Eh hindi naman sila close kay Jin. Mas lalo na kay Jhope, ako nga kelan ko lang nakilala yun eh.
"Saan mo naman nalaman yan?"
Tanong ko sa kanya.
"Hindi saan, kanino. Anyway, Leixxa is dating someone. Sa pagkakatanda ko.. Yoongi ata ang name nya. He's an idol. Ka group nga nya si Jin eh. Nabanggit daw sa kanya nung lumabas sila kagabi."