PANIMULA

369 9 5
                                    

Mapulang araw,
Nilamon ang dilim.
Nagpasakop sa kahapon.

Panibagong Buhay

"Ready ka na janine?" mahinhin na sabi sa'kin ni mama habang nagaayos ako sa harapan ng salamin

"Yes ma, pahintay na lang po ako sa baba" Maikli kong tugon habang naglalagay ng lip gloss.

Tapos na akong mag-ayos ng mukha, ang sarap talaga kapag dumadating ang araw ng linggo. Ang sarap-sarap sa feeling.

"Darius! Kunin mo na nga si Janeth dito sa C.R.! Naglalaro na naman ng Shampoo, aalis na tayo e!" Sigaw ko kay darius na bago kong nobyo.

Hindi siya sumagot kaya ako na mismo ang pumunta sa banyo para kunin si janeth.

"Ano ba 'nak? Aalis na tayo ah? Wag ka na maglaro diyan baby gurl kooo" Malambing kong sabi sa anak ko.

It's been 6 years when i lost myself in my darkest times. I think i already moved on with what happen. Well, i always think that way, day-by-day.

Sa anim na taon  na 'yon, nakilala ko ang naging kaakibat ko sa buhay. Isang taon ko palang siyang nobyo pero malaking tiwala na agad ang binigay ko sa kaniya.

Ano na ang status ko ngayon? Hindi ko alam kung nakamove on na ba ako o hindi pa.

My heart and my mind is very confused. Palagi naman.

Pero sa estado ng buhay ko ngayon, masaya na ako na masaya ang pamilya ko. Masaya ang anak ko. Masaya kami ni Darius.

At masaya ako para sa anak naming dalawa.

Bumaba na kaming dalawa papunta sa sasakyan. Isang S.U.V. lang ito at hindi na katulad ng dati na hummer.

Nakakapanibago man, pero eto na ang dapat makasanayan.

Wala na ang dati, nasa kasalukuyan na.

Kinuha ko ang sinusubo ni janeth na laruan. Ito talagang bata na'to oh, kung ano-ano na lang ang kinakain, "Baby Girl, 'Diba sabi ko sa'yo, magagalit si daddy mo kapag nakita kang kumakain ng mga dirty things, right daddy?" paghingi ko ng tugon kay darius

"Yup baby, kaya wag ng susubo ng kung ano-ano diyan, bibilhan na lang kita ng ice cream pag uuwi na tayo." malambing na sabi ni darius sa kaniya, ang bait talaga nitong lalaki nito.

"Really DaddieTo?" nakangiting tanong niya.

"Yes baby girl, wag mo ng painitin ang ulo ng mommy mo, okay?" sabi pa ni darius at tinignan ako sa mata. Nginitian ko lang siyang bilang pagtugon.

"Nandito na tayo janine, anak, kayo na ang mauna, may pupuntahan pa kami nila mommy mo sa simbahan" nakatingin si papa samin, habang hinihintay ang tugon ko.

"Dadaanan niyo po kami rito?"

"Oo naman, siya nga pala, isasama ko 'tong si darius, bibili kami ng pintura para sa dingding niyo" dugtong niya pa.

Tinignan ko si darius, nakatingin lang rin siya, nilipat niya bigla ang tingin kay janeth.

"Isasama mo pa ba siya janine? Mainit doon sa pupuntahan niyo" tanong niya habang nilalambing si janeth.

"Oo naman, 6th death anniversary na ng daddy ng anak ko. Kailangan namin siyang kumustahin." tugon ko, seryosong tumingin sa akin si darius, mabilis din naman siyang ngumiti.

"Oh siya sige, kunin mo na 'tong si baby netnet" Inabot niya sa akin ang bata, "Bye bye baby netnet, I love youu, Achikachikachik" pagkukulit niya pa sa bata kaya humagikhik naman 'to

"Oh, babye ka na kay DaddieTo mo" pagsabi ko sa bata habang tumatawa pa ito,

Kinawayan niya si darius kaya agad na kaming lumabas ng kotse. Nagbabye pa si janeth sa palayo ng kotse, kinarga ko na ito at nagumpisa na kaming pumasok sa loob.

Cremate ang ginawa sa katawan ni japeth. It's his 6th Death Anniversary! Kilala ng anak kong si janeth ang totoo niyang daddy.

Dahil 5 years old na siya noong nakilala si darius kaya alam nyang tito niya lang ito, at apat na beses sa isang taon ako dumadalaw sa puntod ni japeth, kasama ang anak namin, kaya kilalang-kilala rin ng bata ang totoo niyang ama.

Nilapag ko na ang nakabasket na kumpol ng bulaklak sa may harapan ng puntod, at hinding-hindi na ako magugulat sa gagawin ng anak ko, luluhod siya sa harapan ng puntod at magdadasal

"Daddy, sana po, maging maayos ka po diyan palagi sa heaven! Sana po, mamayang gabi, you are in my dreams again? I miss you daddy, and mommy janine miss you too"

Pinunasan ko ang tubig na tumulo sa mata ko. Yeah, it's been Six years after that Airplane Crash, i also know that i already have my present companion which is darius.

Masaya akong nasa langit na si japeth, even though he's not here, i know to myself that he's always and be always in my heart. He'll Never be gone, never.

Tumayo na ang anak ko mula sa pagkakaluhod kaya tumigil na rin ako sa pag iyak.

"Wala ka ng ipagpe-pray baby?" tanong ko sa kaniya habang karga-karga

"Mamaya na lang po mommy, he's in my dreams later naman po" malambing niyang sabi kaya hinalikan ko siya sa pisngi.

"O, behave ka muna diyan ah? Si mommy naman ang magpepray" mahinahon kong sabi kay baby net

Tumango naman siya kaya dahan-dahan ko siyang nilapag. Lumuhod na ako sa harapan ng puntod ni japeth, tinignan ko ang picture niya at ang quote na nakasulat sa gilid nito

"Promise me, that Chasing Every Beat will never stop"

Hinaplos ko ito at dahan-dahang pumikit.

Japeth, sa anim na taon, anim na taon na ginawa ng diyos, sa araw-araw na hinahanap ka ng anak natin. Sa araw-araw na hinahanap ko ang presensya mo sa umaga, sa araw-araw na dumadaan, ay nagsisisi pa rin ako sa ginawa ko sa'yo.

Hindi ko alam kung paano mo pa ako mapapatawad. Hindi ko alam kung mapapatawad mo pa ako. Hindi ko alam.

Ang tanging alam ko lang ang ay may puwang ka pa rin sa buhay ko hanggang ngayon. Hindi ka namatay, because you'll always be in my heart as i am chasing every beat of your heart. S--

"Daddy?"

Napapikit pa lalo ako sa narinig ko, dahan-dahan kong minulat ang mata ko sa gulat, tinignan ko si janeth

"Ano 'yon anak?" malambing kong tanong

"Mommy, nakita ko po si daddy, nakangiti sa likod natin" sabi ng anak ko mismo na siyang iknagulat ko.

Nilinga ko ang tingin ko, pero wala naman. Hinawi ko ang buhok ng anak ko, "Yup, daddy is always be here baby girl. Daddy will always be here" pag amo ko na lang sa kaniya. Isa na naman guni-guni ang napagtanto ko na palaging nararanasan ng bata.

Kailangan na namin magsimula bilang pamilya, at magsimula ng,

Panibagong Buhay.

Chasing Every Beat 2Where stories live. Discover now