I've witness this day,
and for the first time in my life.
I wanna fuck off.Alive
Seryosong nagda-drive si darius ng kotse niya, nakatuon ang buong atensyon sa kalsada, habang si Janeth naman, Mahimbing na nakakandong sa akin at natutulog.
"Pupuntahan mo ba talaga 'yung ka-meeting mo na 'yon? baka scam na naman 'yan janine ah" sermon ni darius sa'ken, pinarada niya na ang sasakyan sa gilid ng isang restaurant na meeting place namin.
Tumango ako, "S'yempre naman darius, Sayang naman 'yon, makakatulong siya sa trabaho ko, makakabili na ako ng bagong mga supplies sa Channel ko sa radyo"
Suminghap na lang siya saka lumabas para pagbuksan din ako ng pinto, hindi naman ako nagpapabukas sa kaniya, sad'yang kailangan ko lang ingatan ang natutulog na si janeth.
Marahan niyang kinuha ang bata para makababa na ako, nang makababa na, pinasok niya na ulit ang bata sa loob para ihatid na sa bahay. Mukhang pagod na pagod sa pamamasyal!
Nakita ko na yung lalaki na magiging partner ng Radio Channel ko, Ipo-propose niya yung produkto sa akin para i-advertise palagi. Mukhang magwe-work 'to ngayon.
Nakipagkamay na ako, saka umupo, mukha siyang desente at seryoso sa gustong mangyare.
"So, is that alright Ms. Descalsota?" tugon niya matapos ipaliwanag ang lahat sa akin, tumango ako kasabay ng matamis na ngiti.
"Yes po Sir Brandon, Alam ko pong magiging magandang opportunity 'to sa mga produkto niya at parehas po sa channel ko, two benefits po" maigi kong paliwanag na nagpangiti sa kaniya.
Tumawag siya ng waiter at um-order na ng kakainin namin, pagkatapos ay nagusap pang muli tungkol sa partnership.
Mga ilang minuto ang nakalipas, naibigay na ang order namin, kasabay ng paglaho ng ngiti ko matapos kong maaninag ang pagpasok ng isang Napakapamilyar na tao.
Nanigas na ang lahat sa buong katawan ko, hindi ko alam kung anong gagawing reaksyon, hindi ko alam.
Nakangiti siyang nakapasok, mula noon hanggang ngayon, gano'n pa rin ang ayos niya, walang pinagkaiba sa noon.
Lahat ay tumutungo sa kaniya, wine-welcome siya at sinasabihan ng good morning, pumasok siya sa isang silid na mukhang Office niya.
Hinawakan ko ang dibdib ko ng mapansin ang inihain sa aming pagkain. Isang pamilyar na pagkain sa mata at panlasa ko. Umaangat pa ang mga wari'y usok paitaas sa ibabaw ng Beef Pares.
"Ms. Janine? Are you okay?" nagulantang ako sa muling pagsasalita ni Sir. Brandon
"Y-y-y-yes po S-sir Brandon, nagulat lang ako kasi paborito ko 'tong inorder niyo"
Tumango siya saka humigop ng sabaw, "Tama ka, ako rin, paborito ko 'to, dati ay hindi ko 'to pinapansin, but when this restaurant came up here in esperanza, Siguro hindi naman masamang i-try, hindi ba?"
Tumango lang ako bilang tugon, Humigop na ulit siya samantalang ako, parang ayaw ko man lang maniwala na may Ganitong pagkain dito.
Na may beef pares dito.
Na nandito siya.
Totoo ba? Hindi ba ako namamalikmata?
I can't settle at this, Kailangan malaman ko kung may katawang tao ba talaga siya o baka kaluluwa lang na nagpaparamdam sa’kin.
Nagpaalam na si Sir. Brandon sa akin, Sinadya kong hindi ubusin yung beef pares para may dahilan ako para magpaiwan.
Sumubok ako ng isang higop, Malamig na'to. Hindi na masarap. Masarap lang 'to kapag bagong luto at mausok-usok pa. Pero hindi ito ang purpose ko para magpaiwan, kailangan ko ng malaman.
"Uhm, miss? P'wedeng magtanong?"
"Yes po ma'am?" tugon ng isanh crew
"Gusto ko sanang malaman kung anong pangalan ng boss niyo rito?" shit, sana hindi siy--
"Si Sir Japeth Jan Arceo po ma'am, Why?"
Kumalabog na ang dibdib ko. Kailangan ko ng umalis, mismong lugar na'to hindi na normal, nagmumulto na ang kaluluwa niya.
Tumango na lang ako para sabihin okay na, pero tatayo palang sana ako lumabas na siya.
Punyetang buhay 'to.
Hindi na ako makatayo! Parang na- thumb tux 'yung palda ko! Hindi bumabaling ang mata niya sa'kin kaya nagpasalamat ako, lalo na noong dumiretso na siya sa labas at pumasok ng HUMMER niya.
Oo, Hummer niya. Nami-miss ko na ang sasakyang iyon. Miss na miss ko na.
Wala ako sa sarili na bumaba ng taxi sa tapat ng bahay namin. Nakakalanta ang araw na'to. Nakakinis. Sobra.
P'wede namang hindi na lang siya makita, hindi ba? Bakit nakita ko pa rin?
Pero ang malaking tanong Dito, Akala ko namatay siya? Nag crash yung eroplano niya? Akala ko ba wala na siya? Bakit nandito pa rin siya? ANONG TOTOONG NANGYARI?
Ano?
Japeth!
Anong dahilan?!
YOU ARE READING
Chasing Every Beat 2
RomanceAng oras at ang panahon ang madalas na humahadlang sa mga bagay na nais mong mangyari. Ang mga panahong hindi mo na maibabalik. Mga panahong gusto mong pahintuin ang oras at mamahinga na, at mga panahong gusto mong malaman ang hinaharap. Ngunit oras...