Flaire's POV
"BEEEEES!!! HALIKA NAAA!!!" pasigaw na sabi ni Kleah.
"Teka lang! Nagsusuot pa ako ng sapatos eh!" sabi ko kay Kleah.
"Bilisan mo! Nandyan sina Lorina at Kun-oppa oh!" napaka atat talaga nitong bestfriend ko.
By the way, kilala niyo naman siguro si Lorina ano? Siya yung ex-girlfriend ni Chenle. Well, hindi ako naa-awkward kay Lorina. Siya yung nakipaghiwalay kay Chenle eh. Tsaka ginawa niya daw yun dahil ayaw niyang masakal si Chenle sa relationship nila na hindi na nag wo-work out. Nag let go siya para sa ikabubuti. I'm proud of her. Kahit na nagtaksil sakanya si Chenle, nakipagdate sakin kahit hindi pa sila official na nag break up, nakaya niya parin ito mapatawad. Ni-let go pa para sa happiness niya. Ngayon, magkaibigan na kami ni Lorina. Bestfriends to be exact. Ilang taon na rin ang lumipas eh and now I'm 25 years old. Si Chenle 24 pa, magbi-birthday pa eh.
"Grabe hindi ka pa tapos dyan bes?" tanong sakin ni Lorina pagpasok sa bahay namin.
"Wait lang, ang atat niyo eh!" pagrereklamo ko sakanya while putting liptint on my lips and cheeks.
"Bes hindi mo na kailangan mag ayos okay? Mahal ka ni Chenle kahit magmukha kang basahan dyan." sabi ni Lorina.
"Oo na oo na. Ito na! Tara na nga!" sabi ko at nilagay ang concert ticket ko sa sling bag. Pumasok na kami sa kotse ni Kun-oppa.
Nasa front seat si Lorina while nasa back seat kami ni Kleah. May nakalimutan pa pala akong sabihin. Magjowa na yang si Kun-oppa at Lorina. HAHAHA! Magjowa talaga ang binigay na term. Hindi ko alam kung ano ang love story nila kaya wala na akong masasabi pa.
Concert ngayon ng NCT DREAM. Syempre kasali ang boyfriend ko. Papunta kami ngayon sa concert nila. Supportive kami eh. Isa ang boyfriend ko sa magpe-perform pati rin pala ang boyfriend ni Kleah. Akalain mo yun. Nagkatuluyan sila ni Jisung. Kaya supportive girlfriend ang peg namin.
Bumaba at pumasok kami agad pagdating namin. Marami-rami na ang dumating. Noong nakita na namin ang naka assigned seat namin ay umupo kami agad.
Tsss ...
Hindi pa pala nagsisimula ang concert pero pinapadali nila ako.
May hindi pa pala ako nakwento. Paano naging NCT DREAM member si Chenle? Simple, nag audition sila sa SM Ent. Sila Mark, Renjun, Jeno, Haechan, Jaemin, Chenle at Jisung. Natanggap sila at nagtrain ng ilang years then boom! Nagdebut na. Naging sikat pa. Alam din ng media na girlfriend ako ni Chenle. Hindi tinago ni Chenle ang relationship namin. Kaya pati ako naging famous. Ang dami ko ngang bashers eh. HAHAHAHA bahala nga sila. Mainggit sila.
BINABASA MO ANG
Safe with Me | Zhong Chenle
Storie brevi"Your anonymous message is safe with me." NCT Chenle Fan Fiction This story is a work of fiction. All names, places, scenes and etc. are based on the author's imagination. This is a short epistolary. It contains chat, text, phone calls and a littl...