•×•

51 2 1
                                    

||=||=||=||=||=||=||=||=||=||=||=||=||=||=||=||=||=||

Tuwing ako ay nakararamdam ng lungkot ay napapatitig ako sa aking pulso, nagbabasakaling maalala ang hitsura ng isang ngiti. Doon nakikita ko ang bakas ng aking ginawa noon nang minsa'y nakaramdam ako ng matinding lungkot, isang peklat. Sa paningin ng iba ay ito ay naka simangot, sa paningin ko naman ito'y nakangiti. Walang alam ang mga magulang ko sa pinaggagawa kong ito dahil palagi itong nakatago da likod ng aking relos na halos hindi ko na tinatanggal.

Pakiramdam ko ay inaabala ko ang mga tao sa pamamagitan ng aking presensya.

Naaalalala ko pa ang mga gabi na ako'y umiiyak at unan lamang ang ginagamit ko pamunas sa aking mga luha.

Naririnig ko pa ang mga salitang itinatapon ng aking mga kaibigan kapag ako ay nakatalikod, inaakalang mga salitang iyon ay hindi ko naririnig.

Nakikita ko pa ang mga bunga ng aking paghihirap, mga medalya't tropeyo na kahit ni minsan hindi nagdala ng magagandang salita galing sa bibig ng aking mga magulang ngunit dala nito'y mga pangangaral lamang.

Nararamdaman ko pa rin ang hangin na sumasalubong sa amin sa aming pag talon, hinihintay ang huli, inaasahan ang katapusan.

Tingin ko sa mundo ay walang kahulugan. Tingin ko sa aking buhay ay walang patutunguhan. Kung ito ay aking tatapusin, ako ba'y iyong mapipigilan?

||=||=||=||=||=||=||=||=||=||=||=||=||=||=||=||=||=||

"Ano ba?! Dana, bakit hindi mo parin nagawa? Bukas na yung deadline non ah! I thought you were my friend!" sumbat ng isa kong kaibigan.

"Hoy, Dana yung assignment ko ha?" paalala sa kin nung isa.

"What about mine? Natapos mo na ba yung pinagawa ko sa'yo kahapon?" Sabi rin ng isa.

Naging ganito rin ang pamumuhay ko noon. Isa akong utusan sa aking mga inaakalang kaibigan. Palagi nila akong sinusumbatan na ang magkaibigan ay nagtutulungan upang mabawasan ang hirap ng gawa ng isa. Ngunit, bakit sad tingin ko'y lahat ng gawain ay sa akin inihahabilin.

Isa akong taong mapag- isa noon at nag karoon ng kaibigan na akala ay too to, ngunit ginagamit lang pala ako. Hindi nagtagal, sila ay iniwan ko at nagpaka-isa.

||=||=||=||=||=||=||=||=||=||=||=||=||=||=||=||=||=||

Ako si Dana Ombra, nag-iisang anak. Anak ng isang doktor at psychiatrist. Nang dahil sa mga propesyon ng aking mga magulanh ay matataas ang expectation ng lahat na maging isang propesyonal din ako balang araw gaya ng mga magulang. Halos papuri ang natatanggap ko sa mga taong kakilala ko dahil sa angking ganda, talino at talento.

Hindi sa pagmamayabang, maraming sumusubok na ligawan ako ngunit ako na mismo ang umiiwas dahil nga inuuna ko muna ang mga priorities ko, ang pag-aaral. Nagsusumikap ako para mapasasaya ang mga magulang ko ngunit para sad kanila, hindi kailan ma'y magiging sapat. Nag-aaral naman ako ng mabuti at maigi sa puntong ninanakawan ko na ang oras ko sa pag tulog, paglibang at pakikipagkaibigan ay hindi ko parin malampas ang mga pamantayan ng aking mga magulang.

The Smiling Scar [ A One-shot Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon