1: Nagkamali

15 1 0
                                    

Siguro nagkamali nga ng taong pinagkatiwalaan
Na ako talaga 'yong may kasalanan
Na walang ibang dapat sisihin kundi ako
Dahil pinapasok sa buhay ang isang tao 'di naman lubusang kilala.

Kasalanan ko, oo
Naramdaman ko kasi sa kan'ya 'yong saya-
'yong sarap ng bawat gising sa umaga-
'yong sayang 'di pa naramdaman sa iba.

Lumilipas ang bawat oras nang hindi namamalayan,
pusong ngumingiti sa galak na nararamdaman.
Sabik na sabik sa bawat pagkagat ng dilim at pagsilay ng haring araw,
dahil alam 'kong nandyan siya.

Nagulantang na lang sa lahat nang nalaman,
pinaniwala sa isang napakagandang kasinungalingan.
Na hindi pala lahat ng pinakita niya'y totoo,
nagkamali ako.

Sugatang tintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon