6: Ako muna, Bago ang iba

5 1 0
                                    

❝Ako muna, bago ang iba❞
Written by Carmela

Maraming nagtataka
kung bakit sa lahat ng letra
Si A ang nauuna
Na sa dinami-dami ng mga letra, ba't siya pa?

Bakit hindi si B?
Na bakit hindi siya ang napili?
Eh labing-walo nga naman sila,
pare-parehas lang rin naman ginagamit upang makabuo ng salita.

Kahit ako naguluhan,
pero nang dahil sa isang bagay—akin nang naunawaan.
Dahil sa mga taong nagawa siyang saktan,
sa mga taong minahal niya ng lubos pero nagawa siyang iwan.

Siya yung tipo na iniisip ang iba bago ang sarili,
nasasaktan na pero patuloy na ngumingiti.
Nang dahil sa mga naranasan,
Natutunan niya na— Ako muna, Bago ang iba.

Sugatang tintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon