17

5 1 0
                                    

Bibitiwan na nga ba ang
tamis ng alaala,
ang binuo nating dalawa na
magkasama,
o bibitiw nang mag-isa 'pagkat
ako na lang ang lumalaban?
Pilit pinaiinit ang nanlalamig mong nararamdaman,
pilit ko itong sinisindihan
kahit patuloy nang nauupos,
kahit sa labang ito sarili ko na'y
ubos na ubos.
Lilimutin ko na nga ba ang
tamis ng bawat sandali,
dating halos mapunit ang
mukha sa kakangiti,
o lalaban kapalit ng
pagkawala sa sarili?
Kung lalabas lang sa iyong
bibig,
ang mga katagang nais kong marinig..
sinta, lalaban ako,
Kung muli mong sasambitin
ang katagang tumatak
sa puso't isip ko..
patitigilin ko ang pag-ikot ng
mundo,
pakikinggan ang hiyaw ng puso mo,
babasahing maigi ang lahat nang
nilalaman ng
tula..
Sinta, hahanapin ko ang
ngalan ko sa libo-libo mong
mga akda,
At kung nais mo pang
makasama ako sa susunod
na kabanata,
Sinta, ikaw ang magiging
disenyo ko sa bawat
gagawing tula.

Sugatang tintaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon