Chapter 4

0 0 0
                                    

Enjoy reading!!! 😘

Tila hindi alam ni Ah Young ang kanyang gagawin nang makita niyang walang saplot ang upper body ni Chanyeol. Ang katawan nga nito ay pang model talaga, maihahalintulad mo ito sa mga lalaking nababasa sa mga libro, perpekto sa paningin ng mga kababaihan.

Tumikhim siya ng medyo malakas para malaman ng binata na nakalabas na siya mula sa bathroom. Lumingon naman si Chanyeol kung saan nakatayo ngayon si Ah Young at suot-suot na ang isa sa mga damit na binili niya para sa dalaga.

Napamangha ito sa ganda ng dalaga kahit ano talagang simple ng damit ay napapamahal tingnan dahil sa gandang taglay ng dalaga.

Siguro, kung hindi lang pula ang buhok nito ay mas lalo siyang elegante tignan

Napaisip si Chanyeol.

"You look beautiful" puri ni Chanyeol kay Yura na ngayon ay namumula sa hiya, dahil na rin sa pagkakatitig ng lalaking nasa harapan niya.

"Salamat, Chanyeol" sambit ng dalaga na may kaunting hiya sa kanyang pananalita.

Si Yura ay nakausot ngayon ng dress na ang haba ay hanggang taas ng kanyang tuhod. Ang kulay nito ay baby yellow na nagbigay lalo ng glow sa kutis at kulay niya. Dahil tanging converse na sapatos lamang ang dala at suot nito ay wala siyang suot sa paa ngayon.

"Siguro'y mapapadalas na ang pag bili ko ng mga damit para sa iyo" Biro ni Chanyeol. Natawa din ito pero nais talaga niyang bihisan ng mga mamahaling damit ang dalaga.

Sasaglit pa lamang niya itong nakikilala, ni hindi pa nga umaabot ng apat na araw nang makita niya ito sa bar ng kanyang matalik na kaibigan pero gusto na niya itong nakikita araw-araw. Not to mension that he already tasted Yura's lips and now... it is his addiction.

Nais niya ulit matikman ang labi ni Yura. Nais niya muling mayakap ang balingkinitan nitong katawan at mahaplos ang makinis nitong balat. Sa tingin nga niya'y may pagtingin na siya sa dalaga. Ngunit hindi muna niya ito ipapahalata hanggat hindi siya nakakasigurado.

Paano kaya ito?

Napaisip si Chanyeol. Kailangan niyang makasal, ang palugit na ibinigay lamang sa kanya ng matandang attorney ay isang buwan. Kaya sa loob ng tatlong araw na magkasama sila ng dalaga ay dapat makumbinsi na niya itong magpakasal sa kanya.

Hindi talaga niya plano na gamitin si Yura ngunit ito lamang ang tanging paraan niya upang makuha ang share ng kanyang Ama sa companya. Si Yura din lamang ang tanging naisip niyang babae na magiging kampante siya, ang dalaga din lamang ang nais niyang pakasalan.

Sa tingin niya kasi ay may nangyayaring hindi maganda sa kompanya na pinaghirapan itayo ng kanyang ama.

"Yura, we should eat" Nagsuot na nga puting round-neck t-shirt si Chanyeol, naisakop niya ito sa slacks na suot-suot niya. Napakagwapo talaga ni Chanyeol. Lumapit na ang binata kay Yura at hinawakan ang bewang nito. "Siguro'y nagutom ka sa haba ng ating nilakbay" tumango si Ah Young. Automatic na lamang siyang tumango dahil hindi na naman siya makapag concentrate dahil malapit na naman sa kanya ang binata. Sa sobrang lapit nito sa kanya ay naaamoy pa niya ang pabangong mamahalin ng lalaki.

 Sa sobrang lapit nito sa kanya ay naaamoy pa niya ang pabangong mamahalin ng lalaki

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Trapped with Her BeautyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon