Tatlong araw akong hindi pumasok sa school dahil sa muntikang kamatayan ko, kaya heto ako, nagkakandarapa na sa pagpapasign ng clearance. Buti nalang exempted ako. Aba syempre no, kayo kaya malagay sa bingit ng kamatayan. Tingnan natin kung kaya niyo makaligtas.
Sinamahan ako ni Josh dito sa faculty. Hindi ko kasi madala lahat ng requirements ko, puro cardboard at cartolina na may ka ek ekan kasi ang ginawang requirements. Eh itatapon rin lang naman.
Matapos ang ilang dekadang pagpapagod ko para lang sa clearance ba 'yan, natapos na din ako. Nandito kami ngayon ni Josh sa isang ice cream shop. Simula nong araw na muntik na 'kong maaksidente, hindi na 'ko hinayaan nina Kuya na magdrive at umalis mag isa. Kala ko siya ang hahatid at susundo sa'kin, yun pala nakiusap kay Josh. Hindi na rin naman ako tumanggi dahil magkatabi lang bahay namin, pareho pa ng pinapasukan. Edi payts na.
Nag-usap lang kami nga mga walang kwentang bagay hanggang sa...
"I know it's too early pero" napahinto siya. Ako naman, nakatunganga lang. "Zy, will you be my girl?" ayun nabingi ako saglit. Syempre wala nang pabebehan 'to no, kaya sinagot ko na BWAHAHAHHA!
***
Akala ko katulad siya ng ibang lalaki. Nang makilala ko nang lubusan si Josh, dun ko napagtanto na, hindi lahat ng lalaki ay magkapareho. May natitira pa ring mismong makakapagpapatibok ng puso mo. Hindi lang sa kagwapuhan kundi sa kung ano ang nasa kalooban.
YOU ARE READING
A Writer's Fantasy
Short StoryI've always wanted a man whom I can spend my forever with. A man who will be my partner for eternity. Well I guess for others, forever doesn't exist. I don't know. I just want someone whom I can rely on aside from my family and friends. But how can...