Chapter 2

8 0 0
                                    

Matapos ko maayos ang mga gamit ko, pumasok na 'ko. Pagdating sa room, agad kong inilabas ang notebook ko at nagsulat doon.

Napabuntong hininga ako nang matapos ko na ang chapter 3. It took me days para matapos-tapos ang chapter na 'yan. Wala na kasi akong maisip na plot, common naman na kasi lahat eh. Isinilid ko na ang kwaderno pabalik sa bag nang magsimula na ang klase.

***

Naglalakad ako papuntang parking lot ng school. Nang makapasok na 'ko sa kotse, agad ko itong pinaandar at tinahak ang daan pauwi.

Maraming sasakyan sa oras na 'to kaya binagalan ko ang takbo. Nang paliko na 'ko sa kanto namin bigla akong nakarinig ng malakas na busina mula sa isang 10 wheeler truck sa likod. Sa tinding kaba hindi ako nakagalaw at nanatiling nakatingin sa rearview mirror. Mahigpit ang hawak ko sa manibela at napapikit na lang. Ilang minuto ang lumipas nakarinig ako nang malakas na pagsabog, ngunit wala akong naramdamang sakit o dugo na dumadaloy sa katawan ko. Iminulat ko ang mga mata at napalingon sa likod. Wala na doon ang truck. Lumingon ako sa kaliwa at doon ko nakita ang truck na bumangga sa isang poste. Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko. Nanginginig ako sa kaba at takot kaya imbes na mag drive ulit, kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan sina kuya.

A Writer's FantasyWhere stories live. Discover now