Chapter I The Meeting

4 0 0
                                    

Nakatayo ako sa harap nang bagong kumpanyang papasukan ko. Grabe sobrang kabang nararamdaman ko habang palakad papasok.

" Excuse me sir san po ba dito ang accounting department?" tanong ko kay manong guard.

" Miss anong kailangan mo doon?" tanong niya pabalik.

Parang sira tong si manong sagutin daw ba ako nang isa pang tanong. Nakakaasar lang.

Ngumiti ako para itago ang pagkakainis ko.

" ahh manong ako po yung bagong accounting staff nila" sagot ko

"Ahh kaw ba yun? penge na lang ako nang ID mo para maitawag ko sa Front desk" sagot sa akin ni Manong.

Pagkatapos niyang itawag sa front desk yung pangalan ko ay pinapasok na niya ako. Dumiretso naman ako sa Elevator at hindi na dumaan pa sa front desk dahil sabi ni Manong sa 10th floor daw yung Accounting Dept.

Bakit pa ako dadaan di ba ehh tinawag na nga niya na papasok ako. Pagkapasok ko sa Elevator bumalik nanaman yung kaba ko. Pero kailangan ko galingan dahil nakasuporta sa akin ang boyfriend ko. Naalala ko nanaman kung paano ako nakapasok dito.

flashback:

Naglalakad ako sa loob nang campus na pinapasukan ko nung may matanaw akong lalaki na binubogbog sa likod nang isang building.

Nakakakonsensya naman kung hindi ko siya tutulungan di ba? kaya lumapit ako sa kanila kaya napatingin silang lahat sa akin.

"anong ginagawa niyo?" tanong ko na parang inosente

" Obvious ba? malamang pinaglalaruan namin tong bagong salta na to para malaman niya kung sino ang siga" sagot nung isa

" ay siga ba kayo dito? bakit hindi ko alam sa tagal ko nang nag-aaral dito ngayon ko lang nakita yung mga panget niyong muka " Sabi ko naman.

" Aba't ang yabang mo huh. gusto mong idamay ka namin? umalis ka na nga dito!" sigaw naman nung isa sa akin.

Tinignan ko naman yung binubugbog nila na parang walang pkialam na tinutulangan ko sya. Pero baka naman malala na sya kaya hindi sya umiimik. Kinabahan naman ako bigla na baka  mamatay siya sa harapan ko madamay pa ako.

Kya kinuha ko yung cellphone ko at nagpanggap na may tatawagan.

" Hello ma'am I saw some student at the back of Accounting Dep't beating someone And I think sobrang malala na sya." Sabi ko sa cellphone habang nakatingin sa mga student na bumugbog dun sa lalaki.

Nagulat naman sila sabay takbo. Pero bago sila makalayo sumigaw pa yung isa.

" MIss tatandaan namin to."

" Go ahead"

Pagkaalis nila lumapit naman ako dun sa lalaki.

"Ako nga pala si Nadine Clarin" pagpapakilala ko habang tinutulungan ko syang tumayo.

Tinignan niya lang ako at hindi nagsalita.

Inalalayan ko siya papuntang Clinic. Ewan ko ba parang balewala sa kanya yung mga sugat niya kase kase tinatanggal niya yung paghawak ko sa kanya.

Pagkadating namin doon ginamot kaagad nung nurse yung mga sugat niya. Aalis na sana ako nung marinig ko siyang nagsalita.

"Salamat"

Nagsmile lang ako sa kanya at tumakbo na palabas. Grabe ang lakas nang tibok ng puso. 

Sino kaya siya?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 17, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon