chapter 1 👸🏻

57 7 1
                                    

Dedicated to NCT_Yukhie

“Anak,gising na!” nagulat ako nang biglang may tumatapik sa mukah ko. Agad akong nagtaklob ng unan para    bumalik sa pagtulog.

napa balikwas nalang ako ng maaga dahil biglang na wala ang unan sa mukha ko.

“Mom,leave me alone”malumnay pa na suway ko habang kinakamot ang ulo ko.

“Bilisan mo na d'yan dahil pupuntahan pa natin ang lola mo”
Suway niyang sabi habang palabas sa kwarto ko.malapit ko ng makalimutan na pupunta pala kami sa isabela para dalawin si lola.bumangon na ako para maligo at makapagayos ng gamit na dadalhin.

Almost 6 hours din ang tinagal ng byahe namin,kaya medyo sumasakit narin ang katawan ko sa mahabang byahe.Si Mang Hermoso ang sumundo mula sa bahay namin dahil hindi naman kabisado ni daddy ang daan papunta kila lola.
       
        Pasado ala una na nang makarating kami sa ancestral house.
Ito ang probinsya ni mommy.

       “wow,ang ganda naman dito”sabi ni maria pagkababang pagkababa namin ng kotse.

       Nilibot ko naman ng tingin ang buong bahay,isa itong mansion na itinayo pa nung 1900s.At tama si maria,ang ganda ng mansion ni lola teresa.

         Naikwento sa akin ni Mommy noon,ipinush niya talaga na doon nalang manirahan sa bacolod.Parang may something daw kasi sa bahay na ito na hindi niya maintindihan.
        
          “pasok kayo,mga apo!”masayang bati ni lola teresa na abot tenga ang ngiti at sabik kaming makita.Matanda na si lola teresa pero parang bata parin siyang tignan lalo na pag nakangiti.tulad ni mommy ay mala tsokolat rin ang mata ni lola carmina at halos kulay grey na rin ang kulot niyang buhok na pinuson niya sa likod.

         Isa-isa niya kaming niyakap at hinalikan.habang isa isa ring lumalabas ang mga katiwala niya para kunin ang bagahe namin sa kotse at ipinasok ito sa loob ng bahay.Sobrang tagal na rin noong huli ko nakita si lola teresa.Bihira na kasi kaming mapunta rito kasi sobrang layo ng isabela sa bacolod,at busy rin kami ni maria sa school.
     

          “ang ganda naman ng mga apo ko”nakangiting tiningnan niya sa amin..
          “Maria....at elisabeth”at sabay yakap sa amin napa bitaw naman si lola ng dumating si mommy.

          “Ma,it's good to see you”sabi ni mommy sabay yakap kay lola. Puro antique ang mga naka display na gamit dito sa bahay at isang tingin mo palang sa bahay ay malalaman mo na inaalagaan talaga ito ng husto.       
     
           Infairness,mas gumanda ito ngayon dahil sabi daw ni lola, ipinarenovate niya ito,pero iprineserve nila ang karamihan ng original nitong disenyo. Pagpasok namin sa sala ,para akong nasa loob ng isang museum dahil maraming painting na nakakabit sa dingding,may mga vintage rin na platong nakadisplay. Agaw pansin rin ang kumikintab na wooden floor at ang mahabang hagdan paakyat sa second floor.

           Marami ring mga vintage na flower vase sa bawat sulok na nakakadagdag ng ganda sa bahay. Itinuro rin sa amin ang kwrtong tutulongan namin hanggang tatlong araw. Maganda rin ang desenyo ng mga silid dito sa mansion ni lola teresa malalaking kama at parang makalumang silid noong 1900s. Napatingin ako sa taas,may mga detailed flower design sa kisame ng kwarto at maganda rin ang bintana nayari sa capiz. Ang kintab din ng sahig na gawa sa matibay na kahoy,at halos lahat ng gamit mula sa cabinet, drawer , bed , chairs, mini table, ay gawa makintab at matibay na kahoy

           Maya maya ay pumasok si mama.

           “Mga anak,tara kumain na tayo”sabi ni mama sabay labas ng kwarto.sumunod naman kami ni maria para kumain narin sa kusina.

           Ipinaghanda kami ni lola teresa ng masasarap na pagkain. Ang dami nilang pinag-uusapan ni Dad at marami rin siyang kwento tungkol sa pagkabata ni mommy.
          
               Pagkatapos naming kumain ay nagdisisyon nakaming pumasok sa silid namin. Heto ako ngayon,nakaupo sa gilid ng higaan at pinagmasdan ang mga bituin sa bintana. Magkatabi lang kasi ang bintana at ang higaan.

           Maganda naman itong kwarto,classic ang style at design,parang hotel nga e.kaya lng ,talagang malikot ang imagination ko.

        What if may multo? What if paalisin niya ako at patayan para gawin ring multo? Ahhhh!!hindi yan totoo hu....kalma lang yxea.....

         Pero sa totoo lang ,ayokong mag-isa sa kwartong ito. Mas gusto kong maki share kay maria,pero siguradong aasarin lang niya ako na duyag ako.

            

            Ewan ko ba, iba kasi talaga ang feeling ko sa bahay na ito.Lalo na ngayong gabi na at napakatahimik ng bahay ngayon. Napabuntong hininga na lang ako at lumabas sa kwarto para uminom ng tubig. Habang umiinom ako ay may narinig akong ingay sa second floor.napagdesisyunan ko na sundan ang tunog sa second floor.

               Tumigil ang ingay nang nasa tapat na ako ng isang pintuan. Bubuksan ko na sana,pero nabigla ako ng biglang bumukas ito at lumabas si lola teresa.

           “ohh apo bakit gising kapa?”tanong niya sakin.

       
           “ahh may narinig po kasi ako,kaya pumunta ako dito”naka ngiti kong sabi kay lola. Sinundan ko naman nang tingin si lola

         “hali ka dito apo” naglakad ako papalapit sa kanya. Nakita kong may kinuha siyang maliit na box na parang lalagyan ng mga alahas, binigay niya ito sakin habang nakangiti. Tinignan ko lang siya na may pagtataka, pero sinuklian niya lng ako ng isang ngiti.
   

        “Ano po ito lola?”natataka kung tanong sa kanya.habang binubuksan ko ito. Nakita ko ang isang kwintas napabilog na may araw na desenyo sa gitna at mga bituin naman ang naka palibot dito,.

         “ito ang aking ipapamana sa iyo kaya ingatan mo apo”napa tingin naman ako sa kwentas.

         “mahalaga ito sa akin dahil binigay ito ng lalaking pinakamamahal ko”kinuha niya ito sa akin at pumunta sa likod ko, naramdaman ko ang lapat ng kwentas sa aking leeg.tinignan ko ito at pinagmasdan,pero biglang na wala ang tingin ko dito dahil biglang nagsalita si lola.
  

        “bumalik kana sa iyong silid apo dahil gabi na” tumayo na ako at nagpasalamat kay lola.

       Habang naglalakad ako ay tinitignan ko ang kwentas.Nang nakapasok na ako sa kwarto,ay napako ang tingin ko sa letrang naka ukit sa likod nito.
    

        “Sinta ko,akoy naghihintay sa ating tagpuan sa lupain ng mga rosas na saksi ng ating pagiibigan”
          Pagkatapos ko itong basahin,nakita ko nalang ang sarili ko nilalamon na ng kadiliman.

     

       

         

       
        

to your worldWhere stories live. Discover now