Horror Story #4: Bangungot

819 17 3
                                    

BANGUNGOT

Isang working student si Jake. Bata pa lamang sya ay namulat na sya kung gaano kahirap ang buhay. Nangngupahan lamang sya sa isang apartment sa tondo, habang ang kanyang mga magulang ay nasa probinsya nila sa Samar.

"Bro inuman tayo mamaya sa apartment mo" aya ni romel. Isa sa mga malapit nyang kaibigan.

"Sige sama mo na din sila jerome" sagot ni jake.

--

Kinagabihan ..

"Alam nyo mga tol masarap tong hinanda kong pulutan" pagmamayabang ni jake.

Tinikman naman nila romel ang pulutan.

"Tindi tol ! Ang galing mo talaga magluto !" Puri ni romel.

Matapos nilang kumain nagsiuwian na din ang mga kaibigan nya. Naiwan syang mag isa.

Humiga na lang sya habang nanonood ng t.v.

Busy sya sa panonood nang may mapansin syang usok galing sa c.r

Lalapitan nya sana ito pero pagkakurap nya ay wala naman. Naisip nyang baka sa sobrang kalasingan lang nya kaya kung ano ano nakikita nya.

Pinatay nya ang t.v pero bago sya nahiga ay kumain ulit sya. Bigla kasi syang nakaramdam ng gutom.

--

Mahimbing na natutulog si jake. Lingid sa kaalaman nya ay may lumabas ulit na usok mula sa c.r.

Unti unting lumabas mula doon ang isang babae. Mataba ito. Kulot ang buhok. Pula ang mata. At medyo bluish ang kulay ng balat.

Lumapit ito sa kanya na kasalukuyang tulog na tulog.

Kumuha ng unan. At tinakpan nito ang mukha nya.

Parang nalulunod si jake nang mapadilat. Pilit nyang tinatanggal ang unan na nakapatong sa mukha nya. Nakapa nya na wala namang nakahawak sa unan.

Inubos nya ang buong lakas nya para matanggal ang unan. Unti unti na rin syang nahihirapang huminga at nawawalan ng hangin.

--

"Tol anong nangyari kay jake ?!" Hingal na tanong ni jerome pagkarating sa apartment ni jake, nandoon din si romel.

"Jerome, wala na si jake" malungkot na sagot ni romel.

"Huh ? Eh kagabi lang kainuman pa natin yun ah ! Anong daw nangyari ?" Di makapaniwalang tanong ni jerome.

Wala naman kasing sakit si jake. Isa pa ang bata pa nito. Imposible ring may pumatay dahil mabait na tao si jake.

"Pare binangungot daw sabi ng mga pulis" sagot ni romel.

--

A/N: Nagustuhan nyo po ba ? VOTE and COMMENT please.

Compilation of Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon