Tama na! ayoko na!
yan ang huling mensahe na iyong ipinadala,
mensahe na sa puso ko nag iwan ng marka
marka na hindi ko alam kung kelan mabubura.
ilang araw kong hinintay ang iyong pagpaparamdam,
gabi gabing tuliro baka tuluyan kanang nagpaalam.
di ko mawari sa puso koy my kaba,
na baka jan sa lugar na malayo ay may iba kana.
oo hindi ako perpektong tao nagkakamali,
pero sa bawat pagkakamali ay pilit paring bumabawi.
ngunit lahat ng aking ginagawa sayo ay hindi na nagiging sapat, iniisip mo na sa pangalawang pagkakataon hindi ako karapat dapat.
dumagdag pa ang milya milya nating distansya,
nandito ako habang nasa malayo ka.
pinipilit kong punan ang mga pagkukulang ko,
sanay unawain mo na magkaiba ang oras mo jan at oras ko dito.
nakakayanan pa naman natin dati db?
nagagawan natin bigyan ng oras ang isat-isa.
pero hindi yan ang sumira ng ating pagsasama,
minsan akong naging marupok at lumingon sa iba,
dahilan kung bakit hindi ko na makuha ang buo mong tiwala.
pinilit kong bumawi at nagbabakasakali,
pero kahit anong pilit ko hindi ko na maibabalik ang dati.
kung pwede ko lng baguhin ang nakaraan,
babaguhin ko ng mging maganda ang storya natin sa kasalukuyan.
ang salitang tama na, ayaw ko na.
ang tumatak ng husto sa aking isipan.
masakit subalit kelangang tanggapin ang katotohanan,
lalo na nung nakita ko na may ibang kasama kana sa iyong larawan.
bago pa ang salitang ayaw mo na,
nakita ko na masaya kana sa piling ng iba.
ito naba ang tinatawag mong karama?
ang maramdaman ko ang sakit habang nakikita kong nakangita kana kasama xa. sobrang sakit! hindi ko mapigilan ang pag patak ng mga luha.
gusto kong yakapin ka at magmakaawa,
pero paano ba? nasa malayo ka, hindi ka man lng abot ng aking mga mata. gusto kong sabihin na mahal na mahal kita,
ngunit huli na dahil ang mga binitawan mong salita ay di na mababago pa.
mag uumpisa sa katapusan kung pwede lang sana,
subalit ang katapusan ng ating kwento ay di na madudugtungan pa. sapagkat inuumpisahan mo na ang kwento nyong dalawa.
habang ako magpapatuloy sa susunod na kabanata mag isa.
di maitatago sa sarili na akoy umaasa na sa kwento mo tayo ay magtatagpo, at ating ipagpapatuloy ang storya na minsan nating binuo.
storya na walang iba kundi ikaw lang at ako.