"PAANO NGA BA MAKAKALIMOT"

973 11 0
                                    


paano nga ba makakalimot?
paano nga ba makakalimot sa mga alaala nating dalawa?
paano nga ba makakalimot sa mga panahong tayoy magkasama?
paano nga ba makakalimot sa mga panahong tayoy masaya?
masaya, masaya bago pa dumating ang siya.

siya na gumulo sa maganda nating relasyon,
siya na sumira sa maganda nating kahapon,
siya na inagaw ang iyong atenxon
siya na nagpapangiti sayo ngayon.

ano ba ang nangyari sa ating dalawa?
bakit mo hinayaang masira ang matagal nating pagsasama,
pagsasama na walang humpay ang saya,
san ba ako nag kulang at ipinag palit mo ako sa kanya?

yan ang mga paulit ulit na mga tanong ko,
habang naka tulala at isip ay nalilito.
nagkulang ba ako sa pagmamahal ko sayo?
bakit humanap kapa ng iba at pinalitan ako.

pinalitan mo ako ng walang pag aalinlangan,
pinalitan mo ako agad tila kinalimutan ang ating pagmamahalan.
mahal ano ba ang meron sya at nakalimot ka?
gwapo lang naman xa, pero mas mahal naman kitang totoo db?

minahal kita halos sinuway ko na mga magulang ko
maibigay ko lang ang lahat para d magkulang sayo.
hndi magkulang para di mo maisipan na akoy iiwan,
pero nagkamali ako dahl sa d malaman na dahilan bigla kang lumisan.

halos lumohod na ako magmaka awa sayo,
pero bakit hndi mo magawa na balikan ako.
ako naman ang nauna
pero bakit tila ako ang naging pangalawa.

ako ngayon ang nagmumukhang kabit.
nagmamakaawa halos mamatay sa sobrang sakit.
ako ang inagawan ng minamahal,
pero ako ang nagmumukhang nang agaw na walang dangal.

mahal tuluyan mo na ba akong kinalimutan?
dapat narin ba kaya kitang sukuan?
tila ang sitwasyn ko ngayon ako ang walang karapatan,
dati ako ang panalo, pero ngaun aq ang uuwing luhaan.

luhaan sa pag ibig na aking sinimulan,
pero biglang inagaw ng iba ng hndi nag alinlangan.
ako na ginawa ang lahat para sa babaeng gusto kong pakasalan,
pero ang babaeng yun ay di ko na madadala sa simbahan.

mahal eto lng masasabi ko sayo
mahal kita khit ako ang natalo
mahal kita kahit ipinag palít mo ako
at mamahalin parin kita hanggang bumalik ang dating tayo.

Spoken Words Poetry(Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon