Broken Twenty-Four

253 7 4
                                    

Tahimik lang kaming dalawa sa loob ng sasakyan. Hindi ko alam kung dapat ba akong magpaliwanag o magsalita man lang. Aaminin kong medyo nakakatakot siyang magalit.

Dahan-dahan akong lumingon para tignan siya pero laking gulat ko ng makita kong nakatitig siya sa akin. Ang creepy talaga, shet.

Agad naman akong umiwas ng tingin at itinuon ko nalang ang pansin ko sa may bintana ng sasakyan.

Ang daming tanong sa isip ko, ngayon. At karamihan doon ay patungkol kay Andrew.

Bakit? Puro bakit.. Bakit pa siya bumalik? Bakit siya nandoon sa event? At bakit... Bakit niya ako hinalikan..?

Hindi ko namalayan na nasa labi ko na pala ang kamay ko. Sa di ko malamang dahilan ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Ayoko ng ganito. Mag lilimang taon na pero bakit parang sariwa pa rin sakin, lahat? Lahat lahat ng nangyari noon... Hindi ko malimutan... Hindi ko kayang kalimutan.

Siguro mas mabuting wag ko na tong isipin dahil sigurado akong mababaliw lang ako.

Nagulat ako nang biglang hablutin ni Vince ang kamay ko at inilagay ito sa ibabaw ng hita niya.

"Ano ba? Bitiwan mo kamay ko, masakit na eh." Sabi ko pero hindi niya ako pinansin. Aba at parang walang naririnig to ah?

Ang higpit ng pagkakahawak niya sa pulso ko. Pakiramdam ko, magkakapasa ako nito.

Isa pa pala tong si Vince sa problema ko.

Bakit ba ganito? Puro problema.. At puro lalaki pa. Tsk.

Kami ni Vince.. Sandali, may kami ba? Ano ba talaga ang relasyon namin? 

There was kissing and stuff yet there are no feelings. I think.. Ano ba maitatawag sa amin? Friends? Friends with benefits? Yiesh at sino ba si Eunice sa buhay niya?

At sigurado naman akong walang "Love" na namamagitan sa amin. Nangunguna na doon ang dahilan na kakakilala lang namin sa isa't-isa.

"Oo, kakakilala lang pero muntikan na.."  Hindi ko alam kung nakakarinig na naman ako ng boses o imagination ko lang yun.

Kung dati puro problema sa pag aaral at pamilya lang ang iniintindi at iniisip ko, ngayon naman ay nadagdagan pa nito.. Nila.. Mga sakit sa ulo. Tsk.

Bakit nga ba iniisip ko pa kung ano kami? Eh halata namang walang kami.

Agad namang natigil ang pag iisip ko ng biglang mag snap sa tapat ng mukha ko, itong si Vince.

"Kanina pa kita kinakausap. Nandito na tayo." Pagkasabi niya non ay bumaba na siya habang hawak-hawak pa rin ang kamay ko. Muntikan pa akong matapilok dahil sa bilis ng lakad niya at ayaw pa akong bitawan.

Bound and BrokenOnde histórias criam vida. Descubra agora