Chapter 9

2 0 0
                                    

Dalawang linggo na ang nakakalipas ng naganap ang birthday ko.

Busy kaming lahat ngayon dito sa school dahil papalapit na ang aming exam.Nagsisimula na rin akong mag review ngayon.Naka upo ako ngayon sa aking seat habang nagbabasa sa aking libro ng may biglang lumapit sa akin.

"Hey"

Inangat ko ang aking tingin,and I saw Calvin smiling at me.

"Lunch Break na. Tara kumain na muna tayo. You look so tired."

Dahil sa aking pagbabasa hindi ko na namalayan ang oras.Lunch Break na pala at medyo ramdam ko na rin na kumakalam na ang tiyan ko.

Tumango ako kay Calvin at inayos na ang aking gamit.

Sabay kaming lumabas ng classroom ni Calvin.

Sa nagdaang araw dahil sa pagbababad ko sa aking libro,medyo hindi na ako nakakatulog ng maayos. Kaya ngayon sobrang ramdam ko ang antok ko.

Sinulyapan ako ni Calvin.

"You look so pale. Ang tamlay din ng mga mata mo. Are you sleeping well?"He asked.

Hindi ko alam pero nitong nag daang araw,palaging sumasakit ang ulo ko at sa simpleng galaw ko lang,ang bilis kong mapagod.Minsan ramdam ko rin ang paninikip nh dibdib ko.

"Medyo napuyat lang kagabi. Tara na"

Mukhang nag aalinlangan pa si Calvin pero tumango na rin sya.At Nagtungo na kami sa Cafeteria.

Habang kumakain kami bigla kong naramdaman ang pag kirot ng ulo ko.

Uh I started to feel the pain again.

Napahawak ako sa ulo ko.

"Hey are you really okay?"

Napatingin ako kay Calvin at kita ko ang pag aalala sa kanyang mata.

Pinilit kong ngumiti.

"Uhm yes headache lang"

"Are you sure?"

Tumango ako.

Dating gawi. Pagkatapos naming kumain diretso na agad kami sa classroom.

Umupo na agad ako at tinignan ang relo ko.

11:30...I'm so very sleepy..12 pa naman ang next class ko..kahit 20 minutes lang gusto kong matulog..

Inihilig ko na ang aking ulo sa aking armchair at pinikit ang aking mata.

Naalimpungatan ako ng may biglang humaplos sa pisngi ko.

"Calvin.."

Napatingin ako sa relo ko. It's already 12. Tumingin ako sa harap at nakita kong wala pang teacher.

"Wala daw si Ma'am Dianne"

Napalingon ako kay Calvin at tumango.

"Are you okay?msakit pa ba ang ulo mo?"

Umiling ako.Medyo guminhawa naman na ang pakiramdam ko.

"Tara sa field"sabi ni Calvin.

"Bakit?"

"Basta tara"

Tumango ako at tumayo na.Tahimik kaming nag tungo sa field.Pagkarating namin doon iniharap ako ni Calvin sakanya.

May binigay syang envelope sa akin.

"What is this?"nagtataka kong tanong.

"Birthday gift" he smiled at me.

"Gift?but you already gave me a gift nung birthday ko"

"Just accept it. Open it now"

"Cal-"

"Accept it Thalia"

He already gave me a gift. Its a gold necklace and I'm wearing it now.

Tinignan ko ang hawak kong envelope at nilingon sya.

He smiled at me again

"Open it Thalia"

Binuksan ko ito and I saw a two VIP ticket. A concert ticket on my favorite band.Sa February pa ito.September palang ngayon.

Sobra sobra na ang ibinigay sakin ni Calvin.Halos mangilid ang luha ko. Anong nagawa ko to have a guy like this?I am so very happy.

Napalingon ako kay Calvin ng bigla syang magsalita.

"Your mom told me that you very like that band. At gusto mong makapunta sa concert nila kaso wala kang kasama.Hindi ka naman daw nila masamahan kasi they didn't have a time,sobrang busy daw nila.Hindi ka rin naman daw masamahan nang mga kaibigan mo kasi hindi rin sila pwede.So now I'm here. Para samahan ka manood ng concert ng favorite band mo.

Tuluyan ng tumulo ang luha ko.Pinunasan naman ito ni Calvin.

"Why are you crying?hindi ka ba masa-"

Hindi ko na sya pinatapos sa sasabihin nya at agad ko na syang niyakap.

"Sobra pa sa sobra ang sayang nararamdaman ko ngayon Calvin. Thank you. I really appreciated it"

Forever YoursWhere stories live. Discover now