Chapter 7

1 0 0
                                    

"Catherine tara na"Anyaya ko kay Catherine papuntang cafeteria.

Break time na,gutom gutom na kaming tatlo nila Casey at Tyra,pero ang isang to nakaharap parin sa cellphone nya.

"Sige kayo nalang,sabay daw kami ni Karl kakain"sabi ni Catherine.

Pansin namin nitong mga nag daang araw,lagi na silang magkasama,wala namang binabanggit si Catherine na sila na,pero nakaka'curios diba?

"Osige bahala ka.Tara na"sabi ni Tyra.

Nginitian lang kami ni Catherine at humarap na ulit sa cellphone nya.

Hays

Pagkarating namin sa Cafeteria,nadatnan namin si Calvin at Kristoff na nag tatawanan sa table naman.

Tumayo naman agad silang dalawa ng nakita nila kami.

"Uh Thalia pwede ba kaming makishare ng table sainyo?"

Nilingon ko naman ang dalawa sa likod ko at nginitian lang nila ako.

"Uhm sige sure."

"Upo na kayo,ako na ang oorder,treat ko.Ano bang gusto nyo?"Biglang sabi ni Kristoff.

Buti narito ngayon itong lalaking to?at hindi nya kasama yung keneme nyang hays ewan ko ba girlfriend nya kaya yun?

"Kahit na ano na sakin,libre eh hehe"sabi ni Tyra.

"Ako rin Kristoff"sabi naman ni Casey.

Nilingon ako ni Kristoff.

"Kahit ano nalang din sakin"sabi ko.

"Uh sige order nako"sabi ni Kristoff at tinalikuran nya na kami.

"Buti nandito kayo?"biglang tanong ko kay Calvin.

Nasa tabi ko sya ngayon,nasa harapan naman namin si Tyra at Casey.Nasa may kaliwa ni Casey si Tyra at sa tabi nya rin yata uupo si Kristoff.

"Gusto lang namin kayong makasama."sagot ni Calvin.

Tumango naman ako.

"At syempre lalo kana,gusto kitang makasama"

Ramdam ko na biglang uminit ang pisngi ko kaya ngitian ko nalang sya.

Tumayo si Calvin.

"Samahan ko lang si Kristoff dun"

"Sige"

Nginitian nya ako at umalis na sya sa harapan ko.

"Casey" Tawag ko kay Casey.

Lumingon naman sya sakin.

"Bakit?"

"Buti nandito si Kristoff?"tanong ko.

Ngumiti naman si Casey.

"Uh mamaya may sasabihin ako sainyo."sabi nya.

"Ano?"tanong ni Tyra.

"Basta mamaya hindi pwede ngayon"

Tumango nalang kaming dalawa ni Tyra.

Dumating narin si Kristoff at Calvin.

Fried chicken and rice ang inorder nya saamin.

Tahimik lang kaming kumakain nang biglang nagsalita si Kristoff.

"Uh Casey are you free later?after our class?"Tanong ni Kristoff kay Casey.

"Uhm yes. Why?"sagot naman ni Casey.

Ngumiti si Kristoff.

"Susunduin kita mamaya."

"Bakit?"

"I'll just gonna text you later"

Halatang naguguluhan si Casey.

"Uh sige"

Pagkapos naming kumain,tumayo na kaming tatlo.

"Uh Kristoff thank you for the food"Sabi ko.

"No problem"

"Hindi paba kayo pupunta sa classroom?"tanong ko kay Calvin.

"Mamaya na siguro,sige mauna na kayo."

Tumango naman ako.

"Sige una na kami,thank you ulit"

At dumiretso na kami sa classroom.

Pagkarating namin wala pa si Catherine at wala parin si Karl.Siguro mag kasama parin sila hanggang ngayon.

Magkakatabi kami ngayong tatlo.

"Kristoff told me that he doesn't have a girlfriend" Casey said.

"Eh sino yung kasama nya last time?" Tanong ni Tyra.

"Friend lang daw."

"Totoo naman kaya 'yon?"I asked.

"Siguro. Mukha naman syang seryoso nung nag usap kami kahapon eh"

"Saan kayo nag usap kahapon?"Tyra asked.

"Nandoon sya sa may bahay ng pinsan nya kahapon,eh diba malapit lang yung bahay namin doon?Nung lumabas ako samin nakita nya ako,tapos ayon nag usap kami"

Tumango naman kaming dalawa ni Tyra.

"Parang may iba"Sabi ni Casey.

"Anong iba?"tanong ko.

"Hindi naman ganito dati si Kristoff pero ngayon parang ang sweet na nya sa akin."

"Baka naman kasi ikaw talaga ang gusto nya"sabi ni Tyra.

Nag kibit balikat naman si Casey.

"HAHAHAHAHAHA"

Napalingon kami sa may pintuan ng may narinig kaming nag tatawanan

It's Catherine and Karl.And... magkaholding hands sila....

Lumapit silang dalawa saming tatlo ng nakangiti.

"Tyra,Thalia,Casey...Kami na ni Karl..."

Forever YoursWhere stories live. Discover now