8. Depression

96 8 0
                                    

CHAPTER 8 

 (Si akira po yung nasa picture. :) )

XAVIER POV:

 

One week na namin napapansin na parang kulang yung tatlong babae. Tapos yung dalawa naman parang ang tahimik nila at kapag titingin sila doon sa upuan ng malapit sa bintana, bigla silang mapapa buntong hininga. Mukhang problemado pa yung mga mukha nila.

“Pansin mo pre parang one week ng absent si Ariah?” Tanong ni Cliff sakin. Nag-shrug na lang ako at tumingin na lang ulit sa bintana.

Sakto naman pumasok yung prof namin which is Sir Harvie. Napatingin naman sya agad sa bakanteng upuan sa harap ko. Napansin din siguro nyang lagi absent Gf nya. Baka LQ sila. Tsk. Pag-ibig nga naman. Bigla naman syang napayuko at napabuntong hininga.

Bakit parang pare-parehas silang tatlo ng reaction nung dalawang babaeng kaibigan nun? Hmm. Hayaan na nga. Malalaki na sila. Kaya na nila sarili nila. Tsk. Nagiging chismoso na din ako eh. Nahahawa na yata ako kay Cliff. Tsk. >_< Nagstart na maglesson si Sir.

Habang naglelesson sya biglang bumukas yung pinto at may pumasok na babae. Tss. Yung GF lang pala ni Sir. Wala man lang excuse. Dere-deretsyo lang sa upuan. Tss. -_- Pero napansin kong pumayat sya at mukhang depressed. Medyo namamaga pa yung mata nya. Napatingin naman lahat sakanya. Pati si Sir huminto sa discussion at nakatitig lang sakanya.

“Siguro LQ sila no?”

 

“Shh. Wag ka maingay. Baka marinig ka.”

Bumalik na ulit sa discussion si Sir pero maya’t maya tumitingin sya sa babaeng nasa harap ko. Pero yung babae nakatingin lang sa labas ng bintana. Pero napansin kong parang basa yung pisngi nya. Umiiyak ba sya? Bigla na lang syang umub-ob sa desk nya pero hinayaan na sya ni Sir. Siguro nga problemado. Halatang halata naman eh.

Nakailang subjects na kami pero nakaub-ob pa din sya sa desk nya. Halatang nakatulog na itong isang ito ah. Sarap buhay. Tsk. -_-

“Okay Class Dismissed. You can take your break now. Goodbye” Pagkasabing pagkasabi ng prof naming nagsi-takbuhan na yung mga kaklase naming palabas. Mukhang mga bata tuloy sila. Akala mo hindi college eh.

“Ria, Tara na kumain na tayo. Gumising ka na dyan.” Ria pala pangalan nya? Bakit hindi ko man lang naalala. Tsk. Niyuyugyog sya nung babaeng maingay sa kanila. Inangat nya naman yung ulo nya at humarap doon.

“Kayo na lang kumain. Wala akong gana.” Malungkot na sabi ni Ria. Tss.

“Hoy babae. Kakain ka sa ayaw at sa gusto mo. Ang payat payat mo na  oh.”

 

“Bakit ba ang kulit nyo? Ayoko nga kumain eh. Tss.” Tumayo na sya at kinuha nya yung bag nya sabay takbo palabas. Tch.  0_0

“Anong nangyari doon?” Tanong ni Dave at Cliff.

“Hayaan na muna natin sya. Depressed eh.” Sabi naman ng babaeng maingay pero hindi maingay ngayon. Gulo ko ba? Basta yun na yun. (>_<)

Thumbody Loves YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon