Chapter 3

11 4 0
                                    


"Giiiirl. Nakauwi ka na ba?" si Tiffany. Sakto kasi ang pagtawag niya dahil kakahawak ko lang ng phone ko at kakatapos ko lang sa task ko.

"Hindi pa. Kakatapos ko lang pero pauwi na din naman ako." Nasa balikat ko lang phone ko dahil di ko mahawakan ng kamay at nag-aayos akong gamit. Nagpalit pa kasi akong damit dahil basing-basa ng pawis yung uniform ko. Buti na lang may PE kami today kaya dala ko PE uniform ko.

"Past 8 na oh. Bat ang tagal niyo? May susundo ba sayo?" ramdam kong nag-aalala siya para sakin. Ganito kasi siyang tao, masyadong concern sa iba. Napatingin ako sa orasan sa lobby at 8:10pm na nga. Grabe mga 4:30 ata ako nag-start tas anong oras na ako inabot.

"Kasi naman yung kasama kong si Clarence hindi ako tinulungan, kundi tinulugan. Galing din eh." Nako nanggigigil ako. Akala ko pa naman tutulungan niya ako kasi siya pa nagbigay ng mga tools sakin tas after non umakyat na sa puno at natulog. Ayan ako din tumapos ng task niya. Alangan naman na iwan ko half side diba?

"EHHH? Akala ko pa naman crush ka niya. Akala ko may makukuha ako. Charot hahaha." Concern ka ba talaga Tiff? Pinupush niya talaga lagi na may gusto sakin yong lalaking yun.

"Akala mo lang yon. Bakla nga ata yon eh at hindi namamansin ng mga babae." Totoo naman kasi. Hindi siguro babae tipo niya. Well hindi ko din masasabi

"Sinong bakla?"

"Si Clarence." Aw shoot. Masyado akong nadala kaya paglingon ko si Clarence na pala yung nagtanong. Bigla kong pinindot ang end call at sure akong maiintindihan naman ako ni Tiff. Tumingin uli ako sa kanya at ngumiti. Ngiting aso. Kinuha ko na gamit ko at tumakbo sa parking lot.

"Sorry miss. I'm sorry hindi kasi ako tumitingin sa daan." Inilahad niya ang kamay niya sakin at nakita kong aligaga siya nung nakita niya ako. Takbong takbo kasi ako sa corner kaya ayun nabangga ko siya at ako yung natumba.

"Are you okay?" sabi pa niya pagkatayo ko. Kita mo yung kaba sa mga mata niya.

"Yes yes. I'm fine." Pinagpagan ko sarili ko at chinecheck niya kung okay ba talaga ako. And narealize ko lang ang tangkad niya.

"Oh no you're not. You're bleeding." He grabbed my left arm and nakita kong nagdudugo nga yung sa may elbow ko. Pero maliit lang naman.

"I'm fine. I'm fine. Thank you." At akmang aalis na sana ako kaso hinigit niya ako at binigyan ng band-aid. Nagsosorry pa din siya sakin bago ako umalis. Nagpakilala din pala siya sakin. He's Chase. If I remember correctly isa ata siya sa laging binabanggit na pangalan ni Pat. Pero wala na akong time para chikahin pa siya kasi kailangan ko na umuwi.

"Anong nangyari sayo at ang putla mo?" pagsakay ko sa kotse yan agad bungad ni Alecsi sabay lagay ng kamay niya sa noo ko. Concern ang mga tao sakin ngayon ah. By the way, Alecsi is my twin brother. Mas matanda siya ng ilang mins pero makaasta akala mo ang layo ng agwat namin. Dito din siya napasok pero Engineering course niya and part siya ng basketball team ng school. May training din sila ng gabi kaya nakisabay na ako pauwi.

"Wala nakakita lang akong multo." Pag dadahilan ko at tinanggal ko kamay niya. Nagseatbel na ako at umayos na ng upo.

"What happened to your elbow?" nakita niya yung wrinkled band-aid sa elbow ko. Yes, I'm a pro at putting these kind of stuffs.

"PE. Hehe." Sabay hawak sa batok. Yan nalang sinabi ko para wala na masyadong tanong tanong. Nagkwentuhan at nagtawanan lang kami pauwi and close talaga kaming magkakapatid.

--

"My ghad guys!! Andito si Chase sa cafeteria!!" Sino pa ba eh di si Pat. At ayon kilig na kilig nanaman. Actually hindi lang siya eh pati yung mga babae sa paligid. Ganito din nangyari last time ah.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 25, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Marry Me, ZoeWhere stories live. Discover now