Exchange of numbers

32 0 0
                                    

Author's note:

Short story lang po ito kaya asahan nyong hindi po to aabot ng 50 chapters haha. saka salamat po sa mga readers na patuloy na nagbabasa neto, pa-vote at comments din po sana kung pwede lang naman po sa inyo, wala naman pong bayad yun. hehe anyway, thank you padin.

_____________________________

Natapos ang araw na boring pero masaya naman. nakita ko ba naman si crush e, hirap palang magkaron ng crush na hindi mo alam kung crush ka din nya. haha ang babaw ko, napakababaw.. haha 

uuwi na nga lang ako ng bahay, teka asan na nga pala ang babaitang si monica? wag na nga lang, baka kasama si love of her life nya. tss

nag aabang ako ng jeep ng matanawan ko si Kenneth kasama ang grupo nila, pero ayun mukhang busy sa katext nya, siguro may girlfriend na sya kaya di ko na sya aasahan pa. teka bakit feeling ko dissappointed ako. haha ano ba tong puso ko? lumalandi na naman. taglandi kumbaga. hihi

anyway, makasakay na nga ng jeep.

"manong sa tabi nalang po" medyo fast forward lang naman, hehe

nang makarating ako sa bahay ayun wala nganga lang, everyday routine lang pero happy naman ako. ang boring nga lang minsan lalo't pag andito na sa bahay.

Gabi na naman, kain at eto patulog na ko. Excited na naman para bukas. Kasi makikita ko na naman sya.

" Goodmorning world " sabi ko

As usual, si mommy lang ang kasama ko dito sa bahay, si daddy kasi nasa ibang bansa. at si ate naman nasa work na siguro. bihira ko sya makita at madatnan araw araw.

Ligo, kain at pasok na ko ng school. naglalakad na ko papunta sa room namin ng makita ko agad na may nakaupo na sa upuan ko. well, no choice ako kundi maghanap ng ibang mauupuan and luckily, isa nalang ang vacant at dun pa mismo sa tabi ni Kenneth so it means magiging seatmates kame. yiie, kilig much! kaygandang araw naman itech! haha

"Hi!" sabi ni Kenneth

"Hello" sabi ko naman grabe ang awkward nahihiya ata ako. wew! haha nahihiya nga ba o kinikilig?

"Pwede ko ba makuha ang number mo?" sabi ni Kenneth

"Ha? Ah, pwede naman. Sige eto wait!" sabi ko at ayun binigay ko naman agad ang number ko sa kanya hindi ko man lang tinanong kung bakit, eh teka bakit ba, crush ko nga kasi diba? haha.

"Okay, thank you. Ayan nagtext na ko sayo, ayan number ko!" ^_^ sabi nya sabay ngiti

"Sige save ko nalang, thanks din"

--------------------

Ayan na muna po ang update sa ngayon. Pa-vote at comments naman po kayo :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

First Love Never DiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon