Pasko

65 0 6
                                    

ANG NAKARAANG PASKO

Pasko.

Napapansin niyo ba yun?

Sa tuwing sasapit na ang pasko, parang ang saya saya ng ambiance na paligid.

Marami kang makikitang colorful sa paligid, Christmas lights, mga dekorasyon na ang ganda gandang tignan.

Maraming tao sa mall kasi naka Christmas Sale yung mga pangregalo.

Andaming mga bata

Andaming nakangiti

Andaming Masaya

Andaming KUMPLETO at SALU-SALO sa araw ng pasko.

Pero..

Meron diyang iba,

Nagpapaskong malungkot

Nagpapaskong mag-isa

Nagpapaskong walang KASAMA.

Tulad ko,

Sanay na kong mag-isa.

Lumaki akong ulila na.

Namatay yung mga magulang ko sa isang car accident nung eight years old palang ako.

At dahil nag-iisa lang akong anak, at yung mga kamag-anak ko ay nasa ibang bansa nakatira, namuhay ako sa ampunan

Pero ngayong 20 na ko, syempre namumuhay na kong mag-isa. At nakatira sa isang condominium sa may Katipunan.

Umalis ako sa ampunan siguro mga 18 ako. Legal age na daw kasi yun sabi ng mga tita ko kaya pinag-solo na nila ko at ikinuha ng condo unit. Kaya eto ako,  two years nang mag-isa.

Pinag-aral naman ako ng mga tita ko sa isang unibersidad at gagraduate na ko ng college next year.

HAYY.

Pasko na naman pala.

At mag-isa na naman ako. Pero teka, ano nga ba ang nangyari sakin nang nakaraan pasko ko?

Ako nga pala si Belle Castro at ike-kwento ko sainyo kung ano ang nakaraang pasko ko..

--

Bisperas ng pasko yun.

Tuwing pasko, dahil mag-isa lang ako, gumagawa ako ng paraan para naman maging Masaya ang pasko ko kahit ako lang mag-isa.

Dine-date ko ang sarili ko.

Nanunuod ng sine, magsisimba, kakain sa iba’t-ibang restaurant, sasakay sa ferris wheel, at kung anu-ano pa. pero hinding-hindi mawawala ang pinakapaborito kong gawin sa lahat. Ang manuod ng fireworks display

Yan naman ang usual kong ginagawa

Pero nung araw na yun, ewan ko kung bakit nag-iba.

Kakatapos ko lang nun kumain sa limang restaurant( sorry matakaw) at 8 pm na nun ng gabi. Ilang oras nalang, at pasko na.

12:00 ang simula ng fireworks display. So, marami pa kong pwedeng gawin dahil alas otso palang naman.

Kaya naman, nagsimula akong pumila sa ticket ng ferris wheel. GRABE! Ang daming tao -_____-

Antagal kong pumila -____- mga 8:45 na ng ako na ang sunod.

Magsasalita na sana ako dun sa nagtitinda ng ticket nang may biglang sumingit saking lalaki sa pila!!!!! PUTRAGIS.

ANG NAKARAANG PASKO (FIN)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang