Chapter 10

2.7K 89 17
                                    

==========================================================

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley

==========================================================

Chapter 10

 

 

 

 

We drove back to Manila at parehas kaming tahimik ni Eryx buong biyahe. Maybe it was the food. Baka parehas kaming sobrang busog. And definitely we’re both tired. Galing ako sa klase plus exams ko pa. Si Eryx naman galing duty. Sino ba kaseng nagsabing mag-Tagaytay kami? I forgot, kulang din pala kaming dalawa sa tulog.

Malayo na ang tinatakbo ng isip ko ng nag-sudden stop si Eryx! Rinig na rinig ang pagkaskas ng gulong sa semento. Bigla kaseng may tricycle na dumaan sa harapan namin!

“Putang inang ‘to ah!” I opened the car’s window and cursed kung sino man ang nagmamaneho ng trike na yun. Kung gusto niya magpakamatay, wag na siya mang-damay. Nag-pakyu sign pa ko sa papalayong driver. Sisigawan ko pa sana ang trike pero naramdaman ko ang kamay ni Eryx sa aking braso.

“Hayaan mo na, Auds. Chill ka lang.”

Nabigla naman ako sa init ng kamay ni Eryx. Sinimulan na uli nitong paandarin ang kotse. Tinitigan ko naman ito. Parang malamlam ang mga mata nito at namumula. I touched his neck with the back of my hand at napag-alaman ko na nilalagnat ito!

“May fever ka?” Bothered kong wika.

“Wala ito. Paracetamol lang ito.” He said trying to smile pero halatang masama ang pakiramdam.

“Yan ang mga hirap sa nurse na kagaya mo eh, nagsi-self medicate.” Iritado kong wika dito. “Ibaba mo na lang ako sa harap ng school. Dumiretso ka na ng uwi para makapagpahinga ka na.”

“No. Ihahatid na kita sa dorm mo.”

“Wag ka makulit.”

“Wag matigas ang ulo mo. Gabi na. At kasalanan ko ‘to. Inaya kita. Responsibilidad kita.”

“At pumayag naman ako!” I said louder than I intended to. “Look, Eryx. Ayoko mang aminin dahil 2 days pa lang tayong magkakilala pero concerned ako sa’yo, okay?”

“Kinilig ako.” He guffawed.

“Leche ka. May sakit ka na nga, malandi ka pa rin!” I blurted.

“Ihahatid na kita sa dorm mo,” Ulit nito. “It won’t take long. Malapit lang naman halos ang condo ko at dorm mo. Hindi naman hassle.”

“Hay nako. Bahala ka nga sa buhay mo.” Pagmamaktol ko, masking my worry for Eryx’s well being.

XXX

At last ay dumating na kami sa harap ng dorm ko.

“Salamat, Eryx.” I touched his arm at napakainit nito. Bigla naman itong pumikit at nawalan ng malay!

“Ay jusko po! Eryx!” Taranta kong wika sabay hawak sa buo nitong katawan. Ramdam ko ang init ng singaw ng katawan nito. Kahit madilim na ay nakikita kong namumula ang mga pisngi nito dahil medyo may pagkatisoy ang mokong na’to. Tila laboured ang paghinga nito. Kinabahan ako.

Aphrodite's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon