Chapter 30

2K 71 13
                                    

==========================================================

All characters appearing in this work are fictitious. Any resemblance to real persons, living or dead, is purely coincidental. All Rights Reserved. Chenaciousley

==========================================================

Chapter 30

Walang nangyari sa amin ni Eryx sa buong gabi.

Hindi ako disappointed. Kahit parang ganuon ang dating. Alam ko naman na naka-reach na kami ng consensus na hindi ngayong gabi. Na gagawin namin ang bagay na iyon at the right place; at the right time.

Habang kumakain sa may buffet table, hindi na uli kami naglandian o nag-usap ng kahit anong bagay na may kinalaman sa kalandian. We ate in peace at talagang lamon ang ginawa naming dalawa. Sa kakasama ko ‘ata kay Eryx, pati ako lumalakas na kumain. Dati, nung unang panahon, siya lang ang masiba. Ngayon, damay na ako.

“Alam mo, kakasama ko sa’yo, nadadagdagan ako ng timbang.” I scowled at him while shoving food in my mouth. Tinitigan lang ako nito ng curious bago nag-reply.

“Eh ano naman?”

“Ayokong tumaba. As in yung matabang lumba-lumba na.” Nag-aalala kong wika.

“Hindi ko alam na nasi-self conscious rin pala ang isang tulad mo.” He said while munching his food.

“Bakit bawal ba? Hindi naman ako ganuon kaganda at tao lang ako ‘no. Of course may karapatan ako ma-insecure from time to time. I mean, hindi na nga ako ganuon kaganda pagkatapos, eh magpapataba pa ako. Ano na lang ako nu’ n?” Pagra-rant ko dito.

“Alam mo, Auds, masyado kang harsh sa sarili mo. I can’t see anything wrong sa’yo. You’re beautiful and perfect just the way you are.”

“Kumakanta ka ba?” Asik ko dito and he just laughed.

“Totoo ang mga sinabi ko. Kahit maging lumba-lumba ka pa. Kahit siguro paggising natin kinabukasan eh nadagdagan ka na ng 40 pounds—mahal pa rin kita. Hindi kita binubola dahil hindi ikaw ang tipo ng babae na nabobola—alam ko na iyon from the start. Kaya naman lahat ng sinasabi ko sa’yo ay nothing but the truth.” Paglilitanya na naman ni Eryx.

“Fine, fine.” Sabay irap dito. “So ibig mong sabihin, hindi mo ko nagustuhan dahil nagagandahan ka sa’kin? Nagustuhan mo ‘ko dahil sa inner beauty ko ganun?” Iritado kong wika. “Ibig sabihin, hindi talaga ko maganda?Fine!”

“Na-attract ako sa’yo kase maganda ka inside and out.” Eryx beamed at me at pinigilan ko ang sarili kong kiligin kagaya ng dati. Ang sagwa kaya kiligin sa harap ng special someone mo. Jejemon amputek. “Alam mo Auds, para sa pamantayan ko, isa ka sa pinaka-unique na babaeng nakilala ko. Ang angas mo at wala kang pake most of the time kung ano ang sinasabi mo. Gusto ko yun. Madalas mong sabihin kung ano ang naiisip mo. Hindi ka kagaya ng ibang babae na pumapatay ng jowa para lang malaman kung ano ang nasa isip nila. Akala ‘ata nila eh may ESP ang mga jowa nila.”

“Hugot ba yan?” Natatawa kong wika dito.

“Hindi, based on observation lang.”

Nagtawanan kaming dalawa and we continued eating. Halos lahat ng putahe sa buffet table ay tinikman naming dalawa. Ramdam kong bundat na bundat na kami pero hindi pa rin kami tumitigil sa pagkain. Nung time na hindi na talaga namin kaya ang kabusugan ay inumpisahan na naming mamapak ng desserts. Kumuha ako ng iced coffee jelly. Si Eryx naman ay kumuha ng Buko Pandan. Kung ano ang kinuha ni Eryx ay iyon ang inupakan ko and vice versa. Parang timang lang.

Aphrodite's SonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon