Elaisa
"Dito lang po kuya, salamat." wika ko at itinigil naman ni Kuya ang sasakyan sa tapat ng bago kong boarding house. Kulay pula ang gate at napapalibutan ng halaman ang daan papasok.
"Mag-ingat ka dito. Huwag kalimutang tumawag sa bahay kung may kailangan ka." bilin ng kapatid ko. Tinulungan niya akong ilabas ang dalawang maleta ko na may lamang gamit ko.
"Opo Kuya." sagot ko.
Sinundan ko ng tingin si Kuya na nagdrive papaalis matapos niyang ibaba sa loob ng gate ang maleta ko. Hinila ko ito papasok at saktong nakaabang sa akin ang landlady na kumakaway sa akin.
"Buti maayos kang nakarating dito." nakangiti niyang sabi. Lumingon siya sa likod niya at may tinawag.
"Von! Tulungan mo ang boarder natin." sigaw ng landlady.
Maya-maya lang ay lumabas ang isang matangkad na lalaki na magulo ang buhok. Nakasuot lang siya ng puting sando at shorts. Lumapit siya sa akin at walang pasabi niyang kinuha ang dalawang mabigat na maleta ko.
"S-saglit. Yung kwarto ko pala nasa-" naputol ang sasabihin ko nang magsalita siya.
"I know your room." sagot niya. Natahimik ako at hinayaan siyang dalhin ang gamit ko.
Ang pagyapak lang ang tanging naririnig namin pati na rin ang pag-akyat sa hagdan.
Nakarating agad kami sa second floor. Tumigil siya sa tapat ng kwarto ko na may nakalagay na B5 bilang room number sa taas ng pintuan. Basta nalang niya iniwan sa tapat ng pintuan ang dalawang maleta ko at tumalikod na siya ng walang pasabi. I don't want to mind other people's business pero tingin ko anak siya ng may ari ng boarding house na to.
Hinati naman ang boarding house sa dalawa, sa kanan for boys at kaliwa naman for girls pero iisang hagdan lang ang ginagamit pababa. Kumbaga isang malaking boarding house lang siya pero tinipon sa magkabilang bahagi ng bahay ang lalaki at babae at iisang hagdan lang ang pinakasentro nito papunta sa gate.
Binuksan ko ang pintuan sa harap ko at tumambad sa akin ang maluwag na kwarto. Isang bed at aircon ang nakita ko sa kaliwang bahagi at may mini table at chair naman sa paanan ng bed katabi ng window. May cabinet din na hindi kalakihan at sa tabi nito ay ang cr.
Isa-isa kong nilabas ang laman ng maleta ko. Sa isang maleta ay puro damit ko lang habang sa ikalawang maleta naman ay mga personal girly things ko like make ups and such. Andito rin sa loob ang cute dog plush toy ko katabi ng mini lamp ko.
"Ayan. All settled." wika ko.
Bukas na ang pasukan namin sa school kaya kailangan ko nalang magpahinga. Napuntahan naman namin ni Kuya ang magiging school ko sa Senior High at itinuro niya sa akin ang daanan para hindi ako maligaw kung sakali. Hindi naman siya kalayuan actually. Kitang kita ko mula sa window ang University. Nasa iisang University lang ang Senior High Department at College Department. Ang Junior High at Elementary naman ay nasa kabila, walking distance lang at isang park lang ang nagseparate sa dalawa. Maganda ang park nung nadaanan namin ni Kuya. May fountain sa pinakagitna at pinalibutan ng mga bulaklak at mga bench. Sa hindi kalayuan naman nito ay isang Stage na hula ko ay ginagamit sa school para sa mga activities. Mayroon ding children's playground sa tapat ng Elementary Department.
Inilabas ko ang phone ko at nagbrowse nalang sa facebook. Nag pop up ang message ni Lukas.
Lukas: Gala tayo
Me: Ayoko
Lukas: Kj
Me: K
Hindi ko pa nakita reply niya nang may kumatok sa pintuan ko. Tamad akong tumayo at binuksan iyon. Tumambad sa akin ang nakangiting mukha ni Lukas at kumakaway pa.
BINABASA MO ANG
Heartbeats in the Hallway
Teen FictionElaisa is looking forward to her life in senior high school as it is her first time to be away from her family to pursue her studies. She enrolled in Navarra University, a school where she first experienced love and pain.