Finale

149 2 0
                                    


Author's Pov

Naging masaya na ang marriage nila Sam at Clyde simula ng nawala ang mga kontrabida sa buhay nila. May mga away rin minsan pero naging matured na sila sa paglutas nito. Habang nasa office si Clyde at nagmemeeting kasama ang mga shareholders ay biglang tumawag si Yaya Nora.

"Sir, Si ma'am po kailangang dalhin sa hospital"

(What?! Bakit anong nangyari? )

Napalakas ang sabi niya kaya napatingin ang lahat ng shareholders sa kanya pero hindi niya lang ito pinansin.

"Sir,buwanan niya na po ngayon kaya manganganak na siguro siya"

(Sh*t! Oo nga pala! Nasaan na siya?)

"Hinihintay ka na po sir. Masakit na daw yung tiyan niya"

(Sige pupuntahan ko agad siya. Yaya wag mong pabayaan si Sam )

Dali-daling kinuha ni Clyde ang susi niya at pinabayaang nakatunganga ang mga kameeting niya. Si Sam naman ay hirap na hirap na sa pagsakit ng tiyan niya.

"Yaya, nasan na siya? "hirap na sabi ni Sam

"Papunta na daw ma'am. Kaya pa po ba? "

"Kaya pa naman... Pero parang lalabas na talaga yung baby"

Malakas na bumukas ang pinto nila at iniluwal nun si Clyde na hingal na hingal at tumatagaktak ang pawis.

"Anong nangyari sayo? Parang ikaw ang manganganak ah" sabi ni Sam pero hindi na siya pinansin ni Clyde at binuhat nalang siya nito.

"Let's go! Yaya pakialalay lang po"

Isinakay niya sa backseat si Sam at pinaalalayan kay yaya Nora.

Mabilis na pinatakbo ni Clyde ang kotse at si Sam naman ay pawis na pawis na.

Nang nakaabot na sila ng hospital ay inasikaso naman agad sila ng mga nurse papunta sa delivery room.

"Sir,kalma lang po kayo para kumalma tong misis niyo" sabi ng doctor dahil parang siya ang manganganak kung makaasta.

Nang nakapasok na sila sa delivery room ay inihiga na si Sam sa kama.

"Ikaw ang doctor niya? " sabi niya sa lalaking nurse na nag-aassist kay Sam

"No sir, assist lang po ako. Si Dr. Villanueva po yung OB niya" sagot ng nurse.

"Umalis ka dito, mga babae lang puwedeng mag assist dito."

"Baliw talaga to oh! Manganganak nako pumipili ka pa diyan"

"Sorry Sam" sabi ni Clyde at ikiniss si Sam sa noo

"Okay let's start, malapit nang lumabas yung baby. Be ready Mr. and Mrs. Diaz"

Then ayun na nga, habang pinupush ni Sam para lumabas yung baby ay ganun din ang pagtagaktak ng pawis ni Clyde.

Parang siya yung manganganak noh? Pero hayaan niyo na patapos na itong story eh.

Dahil hindi kinaya ni Clyde na makitang nanganganak si Sam ay lumabas siya ng delivery room at sinalubong siya ng pamilya ni Sam at pati narin yung pamilya niya.

"Clyde,okay kalang ba? " tanong ng mommy niya

"Parang na tense ka ah? Gusto mo bang bilhan ka namin ni Thunder ng maiinom para kumalma ka" sabi ni Reign at bigla naman siyang tinapik ng mommy ni Sam

The Tradition (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon