Chapter 53

51 1 0
                                    

Hanz's Pov

Nakakainis talaga yung Clyde na yun! Sus! Kung wala lang akong intensyon sa kanila, matagal ko na yung inupakan.

Pumunta ako sa office ni Sam at sinundo siya dahil maglulunch kami.

Pagkarating sa office niya ay agad naman siyang tumayo dahil alam na niya kung anong pinunta ko dun.

As usual, dun pa rin kami sa dati at nauumay na ako sa mga pagkain pero bakit gustong-gusto ni Sam dito.

Habang busy kami sa pag uusap ay nagulat ako ng may biglang huminto sa harap namin.

"Clyde? "

"What are you doing here? " tanong ko

"Nandito ang misis ko kaya narito ako"

He clench his jaw.

Mukhang naghahanap ng away 'to ah!

"Clyde wag kang manggulo dito" nag aalalang sabi ni Sam

"Hindi manggugulo? Bakit ganyan na ba talaga ang tingin mo sakin? "

"Alam kong nagagalit ka kaya wag kang manggulo dito dahil wala namang malalim na rason para gawin mo yan"

"Tsk! Talaga? Bakit parang kinakampihan mo pa tong loko na 'to ha? "

Hays! Ito na sila...

"Clyde ano ka ba? Anong problema mo? "

Lumapit si Clyde sakin at kwinelyuhan ako.

"Ikaw ang rason ng lahat ng ito eh! " sigaw niya ng may biglang humablot ng mga kamay niya.

"Dad? " sabi niya ng nakita si Mr. Buenavista.

"Anong nangyayari dito ha? " tanong ni Mr. Buenavista

"Ewan ko nga Mr. Buenavista, biglang sumulpot 'tong si Clyde sa lunch namin ni Sam at nanggulo"

"Totoo ba? " sabi niya at humarap kay Clyde.

"No it's not what you think dad"

Aba! Palusot pa to!

"Dad, wala lang po 'to" mangiyak-ngiyak na sabi ni Sam

"Anong wala? Ikaw Clyde, alam mong buntis 'tong anak ko nagawa mo pang makipag &away sa harap niya. What kind of husband are you?"

"I'm so sorry Mr. Buenavista, pero na-aagrabyado na yung relasyon namin ng anak mo eh. "

He sounded like he was about to explode.

"Nagagalit ka pa? Bakit anong kinalaman ni Hanz dito sa relasyon niyo? Pinapairal mo lang yung pagkaseloso mo, kung hindi ka nagmamalisya kela Sam at Hanz hindi ka magkakaganyan"

"Dad, tama na" pagpipigil ni Sam sa daddy niya

I love to watch this show.

"Anong tama na? Hindi dapat ganito yung pinaggagawa ng mister mo at dapat nga eh sumama siya sayo palagi. Matagal ko nang nahahalata na hindi siya sumasama sayo kapag kasama mo 'tong si Hanz"

"Oo nga dad, pero wala namang problema yun eh" sabi ni Sam

"No! May problema kayo! Sumama ka sakin sam, umuwi ka muna sa bahay ngayon baka ikaw pa tong mapagbuhusan ng galit nitong si Clyde"

"Hindi pwede yun! " pagpipigil ni Clyde

"Anong hindi pwede? Anak ko siya! Kung gusto mong maging maayos 'to, papayag ka"

The Tradition (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon