Itago nalang natin ang dalawang mag kasintahan sa pangalang Marian at Dingdong dahil ito ay galing sa totoong buhay na kwento.
Marian at dingdong ang ipinangalan dahil yan ang tinatawag nila minsan sa isa't-isa.
Sa clan sila nagkakilala matapos isali si marian ng kaibigan nya mula din sa isang clan.
Mahilig sumali noon si Marian ng clan dahil bakasyon noon at wala rin namang ginagawa.
3rd year college sya sa PUP taking Marketing Management
Nakailang clan na sya at may mga naging karelasyon din sya sa mga previous clan nya.
Pero kahit isa dun di pa nya nakikita ng personal.
Dumating ang araw na naisali sya sa clan ng friend nya.
Yung friend nya kasi ang co-founder ng clan na yun.
Travis ang name nya. Nagakaroon din ng something sa kanilang dalawa noon sa dating clan nila pero nawala na yun nung nasali sya sa bagong clan dahil gf pala ni travis ang founder.
Wala pang ilang araw nakaclose na ni Marian ang ibang members.
Nagkakilala sila ni Dingdong at naging friend sa text.
May pasok na ulit second semester na.
Pero kasali paren sya sa clan.
Magkatext sila lagi ni Ding
(shortcut nalang sa name ni dingdong kasi mahaba)
Pero hindi lang si Ding ang Katext nya may iba din na members na kaclose ni Marian na lagi nyang katext.
Naka 3 weeks na silang magkakatext ng members ng clan.
Kaya nag kakaayaan mag eyeball.
Pero si Marian walang balak sumama. Dahil gusto nya gang text lang.
Kasama sa officer si Ding pero minsan lang sya nakakapag GM (group message) dahil may trabaho sya noon sa isang resto grill.
Magaling magluto si Ding. Yun ang isang naging asset nya.
Isang araw napagtripan ng members si Marian. NAghahanap daw ng BF.
Natawa lang si Marian kasi marami nag apply. (parang work lang haha)
Pero kahit isa sa kanila di nya trip. :D
Ilang araw lumipas nag GM si Marian tungkol sa Heart aches nya dun sa past relationship nya dun sa dating clan.
Dun lalong naging close si Marian at Dingdong.
Nag bigay ng mga advice si Ding kay Marian.
Kinabukasan nagtext si Ding kay Marian kung Ok na sya.
Ok na daw sya. at nagpasalamat sya kay Ding dahil sa pag comfort sa kanya kagabi.
magkatext sila buong araw kagit na may tour si MArian kinabukasan at madaling araw ang byahe.
November 25, 2011 nang magkatext sila.
Hanggang mag alas dose ng hating gabi magkatext parin sila.
Hindi namalayan ng dalawa ang oras dahil sa pinag uusapan nila.
Pag sapit ng 12:10 ng madaling araw, November 26, 2011, napagkasunduan nila na maging sila.
Sabi nila try nila kung ano mangyayari sa relasyon nila.
Malayo sila sa isa't-isa. dahil taga Bulacan si Ding at taga Quezon city si Marian.
Naging magkatawagan sila at magkatext araw araw kahit na nasa tour si Marian.
At patuloy na nagkapalagayan sila ng loob sa isa't-isa.
---------------------------------------------------
Second Story ko po.
Pero this time based on true story na.
subaybayan naten ang kanilang kwento.
SALAMAT SA MGA MGABABASA :))
BINABASA MO ANG
Clan Story (a love story started in a clan)
PoetryAng kwentong ito ay hango sa totoong kwento ng dalawang magkasintahan na nagkakilala sa clan at unang nagkaibigan dahil sa text. Subaybayan ang kanilang kwento.