WAKAS

1 0 0
                                    

Pagdungaw sa bintana, 

Walang katapusang alalahanin ang gumunita, 

Mga ideyang dapat kalimutan ay siyang nangingibaw, 

Pakiwaru ba'y nais na nitong makalaya. 

Hindi pa ba natuto? 

Mga akalang tama sya pa lang masama, 

Hindi pa napapagod?

 Patuloy sa pagsabay sa dalos, 

Pahinga'y parang di na kilala. 

Sa mundong nakakalito, 

Ikaw sana ang aking pahinga, 

Napuno ng mga alala hanggang ngayoy ginugunita, 

Kailan ma'y di inasam na magpaalam. 

Aamin na ang puso kong matagal na naduwag, 

Sumuko sa mga ambisyon at pantasya na siyang tanging nagpapasaya, 

Lumbay ko'y naguumapaw nais mapalitan ng ligaya. 

Kaya hindi na magdadalawang-isip, Pipiliin ko nang makasama ka,

 Ako'y parating na hintayin mo sana ko aking Sinta, 

Sa kabilang mundo tayo'y muling magiisa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 06, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My PoemsWhere stories live. Discover now