Big Boys Don't Cry

8 0 0
                                    



Hindi ko alam kung bakit sadyang mapaglaro ang tadhana at sinabayan ng init ng ulo ko ang init ng panahon. Mas makatutulong sanang malamig ang panahon habang nagpapalamig ako ng ulo! Ngayon ay sabay itong nag-iinit na akala mo'y kumukulong tubig.

"You did what, Isha?!" Halos sabunutan ko na rin si Isha na siyang nagpasabog ng nag-iinit kong ulo.

"Chill, Ely. Hindi nga nagalit si Zyeon nang makipaghiwalay ako, e. It means okay lang sa kaniya. 'Tsaka three weeks pa lang naman kami, don't tell me mahal na agad niya ako nang ganoon kabilis?" anito habang pinagmamasdan ang bagong linis niyang mga kuko.

"Pero sanaーugh, never mind." I shook my head thrice then sat down. Kung hiwalay na sila ay wala na akong magagawa. Knowing Isha, malamang ay may bago na 'tong target.

Maya-maya ay nakita kong papalapit sa pwesto namin si Zyeon na may malawak na ngisi sa mga labi. Pinadantay niya ang kamay sa balikat ni Isha kaya naman tiningala siya ni Isha.

"Hey, Isha. Pwede kong hiramin si Ely?" aniya nang nakangiti sa akin.

"Yeah, sure." Walang ganang sagot niya.

I sighed when I saw Zyeon's other hand fisted. He's affected. Kahit gaano pa kalaki ang ngiting ipakita niya ay hindi niya maitatago sa 'kin na apektado siya.

Tumayo na ako at humalik sa pisngi ni Isha bago nagpaalam. "See you sa next class."

Kahit mainit ang maglakad sa field ay hinayaan ko na lang si Zyeon na kaladkarin ako kung saan man. Marami kaming nakakasalubong na nangangamusta kaya mas lalong nagtagal kami sa initan. Sarap lang hambalusin ni Zyeon kapag hindi na siya broken.

"Long time crush mo 'yon, Zyeon, 'di ba? Buti hindi mo iniyakan, pre?" Tinapik pa nito ang balikat ni Zyeon. He looked genuinely concerned kaya hinayaan ko.

"Big boys don't cry." Nakangising aniya bago nagpatuloy sa paglalakad. Umabot kami sa rooftop na 'di gaanong mainit dahil sa mga masisilungan.

"Big boys don't cry, e baby boy pa nga kita?" Panunuya ko sabay buka ng mga braso ko. He knows what to do kaya agad siyang yumakap. Ilang saglit ay naramdaman ko ang pagkabasa ng dibdib ko at marahang panginginig ng balikat niya.

I chuckled as I comb his hair while listening to his sobbing. "B-Bakit naman kasi siya nakipaghiwalay agad? Since grade seven crush ko na siya, e," mahinang hikbi nito.

"Masakit talaga 'yan lalo na't first girlfriend mo siya. Kalaunan ay masasanay ka rin, Zyeon. 'Tsaka grade nine pa lang kaya tayo! Marami parang darating para sa 'yo..." Then inangat ko ang ulo niya ang pinunasan ng panyo ko ang mga luha niya.

"Am I not enough to make her stay?"

"Shh, baby, you're enough." Tapos ay pinatakan ko ng marahang halik ang kaniyang noo, like what I always do kapag umiiyak siya dahil sa crush niya. "But sometimes we feel like we are not enough because some people don't want us. You just gotta find that someone who'll make you more than enough, okay?"

Buti na lang at madali rin kausap si Zyeon. One week after our talk ay nabalitaan kong nililigawan naman niya 'yong senior naming babae.  

"Do you think she'll love these roses?" he asked nervously. "What about these chocolates? Baka she prefer local chocolates?"

Kanina ko pa tinatawanan ang pagiging tuliro niya at kanina pa rin siya naiinis.

"Kumalma ka nga. Her friends said red roses are her favorite and she loves these kind of chocolates. Syempre pinagtanong ko 'yan, iapapahamak ba kita?"

He asked for my help again, of course. Ako ang sinama niyang mamili dahil baka mas alam ko raw ang taste ng mga babae kaysa sa kaniya. But I did not pick things kasi naisip kong magugustuhan 'yon nung babae but because I really asked her closed friends about this.

Ómorfi Grafí [όμορφη γραφή]Where stories live. Discover now