Fangirl 1:

254 8 5
                                    

2nd story! So here it is. Dedicated to CheonsaNabi_05 by the way. Thanks for supporting! Love lots!

--

Fangirl 1:

Angel's P.O.V

"Oo na! Pauwi na ako..mm..sige..byebye", sabi ko at inend call na. Tumawag kasi sa'kin si tita. Kainis din yun minsan eh dahil hindi makapaghintay. Tss.

Nandito na ako sa gilid ng kalsada, nagaantay lang ng jeep. It's already 6:20 in the evening so medyo mahihirapan ako sa pagsakay ngayon. But no worries, patience is a virtue.

At nung may jeep na paparating, akmang papara na sana ako kaso may biglang humila sa'kin at tinakpan ang bibig ko.

I can handle this. I know how to self defense. Tinapakan ko yung paa niya sabay na din sa pagkagat ng kamay sabay takbo ng mabilis.

"HOY ANGEL! Si Samantha to!", sigaw ng kaibigan ko na ikinahinto ko sa pagtakbo. What the duck?!

"Anong nahithit mo at talagang nagmukha kang kidnapper diyan ha? Muntik na akong mamatay sa gulat kanina! Buti nalang marunong akong mag self defense", inis kong sabi sabay batok sa kaniya.

"Sorry na! Ginawa ko lang naman ang dare nila Chelsea eh na mag act kunuhay ng kidnapper at kikidnapin ka. Sorry na!", sabi niya at nanghingi na ng sorry.

Napairap nalang ako at binatukan siya for the last time. Gagong babaeng yan.

"Tch. Umuwi ka na. Sa susunod, pag maglaro kayo ng truth o dare, wag niyo akong isali ah kung ayaw niyong mabali yang mga buto niyo", sarkastika kong sabi na ikinatango niya lang.

"O-opo, opo. Salamat! Bye! Mianhae! Sorry! Patawad!", sabi niya at umalis na. Napailing-iling nalang ako and at the same time, napangiti din. Gago talaga ang babaeng yun kahit kailan.

So ayun nga, nagpara na ako ng jeep at sumakay. Nakakapagod ang araw ngayon. Pero mas nakakapagod bukas dahil graduation na namin. Tsk. Nonstop ka busyhan. Putek.

Nung nakarating na ako sa bahay, agad na akong pumasok at isang napakalakas na batok kaagad ang nasalubong ko.

"Bwesit na bata ka. Sobra na ang pag-alala ko sa'yo! Di mo ba alam na alas 7 na sa gabi? Anong sinabi ko sa'yo? Diba uuwi ka dapat before 7?!", bulyaw ni tita sa'kin.

"Tita, kalma. Pasensya na traffic naman kasi eh! Tsaka alam mo naman na wala ng masyadong jeep ngayong oras eh. Sorry na, kiss nalang kita", nakangisi kong sabi na ikinabatok niya ulit sa'kin.

Normal lang namin ang away nato. Since iniwan ako ni mama at papa, si tita nalang ang nagaalaga sa'kin. Mabait naman siya, masayang makasama, jamming, pero highblood lang talaga minsan.

"Gago ka talaga eh. O sige na at magbihis kana doon. Kakain na tayo", sabi niya. Nagmano na ako sa kaniya at dumiretso na sa kwarto ko.

Saktong pagpasok ko sa kwarto ko ay may lalaki kaagad na bumungad sa'kin. Isang napakagwapong lalaki na tumitig kaagad sa'kin. Shitness.

"O? Don't give me that look. Baka matunaw ka", nakangiti kong sabi at nilagay na ang bag ko sa upuan.

Lumapit ako sa lalaki at hinalikan ito sa labi. Gosh, sana totoo ka nalang no at hindi lang sa poster. Kainis.

"Waaahhh sana makita na kita in realll lifeee!", parang bata kong sabi sabay yakap sa poster ni Kim Taehyung. Buset.

Makita din kita. Not now, not soon, but never. Ang layo mo eh. Tang-ina.

Nagbihis na ako at pumasok sa banyo para umihi kaso pagharap ko, nakatingin na si Taehyung sa'kin.

"Oh gosh, mamaya na babe, hindi pa ako ready. Nandito lang naman ako para umihi eh", sabi ko sa poster. Putek na buhay to. Ewan ko ba pero nilagyan ko talaga ng poster ang lahat ng part sa bahay eh. Well, except sa kwarto ni tita. Baka agawin niya yun, naku, mahirap na.

"ANGEL! BAT BA ANG TAGAL MONG MAKABIHIS DIYAN? LALAMIG NA TONG ULAM NATIN!", sigaw ni tita sa baba.

Diyosmiyo marimar, ang ingay niya po. Gawin ko na ba siyang megaphone? Hayst.

Pagkatapos kong umihi ay finlush ko na tapos nag hugas kamay na din.

Lumabas na ako sa kwarto ko at dumiretso na sa kusina at sinalubungan na naman ako ng batok.

"Hindi naman siguro ako pako para pukpukin eh no?", tanong ko sa kaniya pero binatukan na naman niya ako.

Sus, swerte siya hindi ako makabatok sa kaniya. Pag magawa ko talaga yun edi diretso talaga siya sa lupa. Tss.

"Ang tagal mo kasi eh", sabi niya.

"Paano ako hindi magtagal eh nagbibihis pa ako tsaka umihi pa. Tsaka kinausap ko pa ang asawa ko doon dahil miss niya daw ako tsaka--

"Naku. Ang bata-bata mo pa pero ang landi-landi mo na. Kumain na nga tayo. Tsaka isang POSTER lang din naman yang asawa mo eh", sabi niya. Abugh, realtalk. Di naman masakit. Tss.

So ayun nga, kumain na kami. 'tong isa dito kung kumakain akala mo wala ng bukas. Eh paano? Ang ingay eh. Tsaka ang lakas makanguya. Showering pa nga eh.

"Tita, uso naman yata ang dahan-dahan na salita eh no?", tanong ko sa kaniya.

"Uu nuhmahn, shadyughng nawhguchugm luhng chalagah uhko", sabi niya habang ngumunguya.

"Tsaka uso din ang 'Don't talk when your mouth is full'", sabi ko na ikinasama niya ng tingin sa'kin.

"Kumain ka na nga lang diyan! Istorbo ka. Hmph", sabi niya at nagpatuloy na sa pagkain.

'To naman, dinisiplina lang eh para may proper manners. Tss. Pero wag kayong ano. Mahal na mahal ko ang tita ko.

Pagkatapos naming kumain ay agad ko ng hinugasan ang mga plato at pumasok na ako sa kwarto ko.

And as always, taga pasok ko nalang sa kwarto, titigan niya kaagad ako. Like wutduhek Taehyung? Am I that hawt? Charot. Joke lang. Kausapin pa naman ang poster.

Eto na, fangirl mode on na pala ako ngayon and now it's time to watch their new music video which is the BOY WITH LUV.

"AAAAHHHHHHHH!!", sigaw ko kahit hindi pa nagsimula.

"WAG KA NGANG MAINGAY!", inis na sabi ni tita sa kabilang kwarto.

"NAGFAFANGIRL AKO DITO KAYA WAG KA DING MAINGAY!", sigaw ko din.

Aba syempre, naka on tong fangirl mode eh kaya gagawin ko lahat, makatili lang para sa bts mahluvs. Sabog na sabog na obarya ko pre! Putragis na mais.

--
Korneh ko masyado. Di bale na, aayusin ko nalang sa next chapter. Pfft.

Kyutie_Dumpling :)

Fangirl noon, Asawa na niya ngayon [Kim Taehyung] (Upcoming) Where stories live. Discover now