Chapter 5: Princess

7.4K 105 2
                                    

(Roe's Pov)

"mali nanaman!" tumigil ako sa pag tugtog ng organ, at tumigil na rin sila Em at Robee sa pag tugtog ng instrument nila. nagkamali nanaman ako. Lumilipad kasi isip ko, nakakainis. -.- Bakit ko ba kasi siya iniisip? ang weird ko.

"ano bang nangyayari sayo Roe?" Tanong ni Lj na nagpupunas ng pawis.

"oo nga, bothered by something? Kanina pa tayo paulit ulit pero hindi mo ma perfect." Si Em naman na parang nag-aalala ang tono.

"Wala, inaantok lang siguro ako." sagot ko sakanila. The truth is im really bothered, really bothered by this feelings im feeling for her -.- at ayokong sabihin yun sakanila, for safety na rin nuh. malalakas mangantyaw tong mga to.

"Talaga dude? once in a blue moon lang to ah, ikaw na yata papalit sakin?" Si Robee naman, Ngayon lang kasi ako nagkaganito sa practice, dahil ang madalas magkamali samin ay si Robee dahil sa sobrang likot niya.

"Asa ka pa Robee, ngayon lang to." sabi ko.

"Nako Roe, if i know your bothered by something. Di mo ko mapagtataguan ng sikreto brad. I know you! kahit first time ka nagkakaganyan. Alam ko yan." Grabe talaga to si Lj, siya kasi ang pinaka ka close ko sa barkada, kami laging magkasama, gawa na rin ng magka Blockmate kami, at lagi kami nagkakasundo sa mga trip. Kaya ganyan nalang niya kabilis mapansin yung mga kilos ko at kung anong nararamdaman ko.

Tinignan ko lang siya ng masama.

"Ano yun Lj? Share naman diyan?" Tanong ni Em

"Something Fishy yan ha!" Si Robee naman na ngiting aso pa. mukhang walang gagawing tama to eh.

Napatigil ang asaran ng ring ang phone ko. Si Winry, agad ko itong sinagot.

Ako: Hello?

Winry: Bakit wala ka pa dito sa bahay? Personal julalay kita diba? nuh ba yan di maayos serbisyo! (close na kami, at sobrang blunt na niya ngayong magsalita sakin. Mas gusto ko yung ganito siya kesa nung una, nahihiya hiya pa siya.)

Ako: Ay ganun? Sorry naman po mam, kasama ko kasi sila Em nag papraktis kami. Dont worry pagkatapos ng praktis, didirertso ako papunta diyan sayo.

Winry: Good. Dalian mo lang baka mainip ako (tss. Bossy.)

Ako: Gusto mo mabilis? ikaw nalang magpunta dito? agad agad ang nais mo eh.

Winry:(tumawa)wala ka. Pumunta ka na dito at namimiss ko na ang personal julalay ko kahit wla pang isang araw na hindi kami nagkikita.

Napangiti naman ako sa sinabi niyang yun. Nuh ba tooooo! bakit ganito nararamdaman ko -.-

Ako: oo na sige. Bye.

Binaba ko na ang phone ko at binulsa ulit. Nakatingin lang sakit sila Robee, Titig na titig sakin tong tatlong to, parang may iniisip na ewan

"oh ano?" tanong ko sakanila.

"Sino yun?" tanong ni Robee

"si Winry, Tara na practice na tayo. Pinapapunta niya ko sakanila eh" sagot ko.

Napatango lang silang Tatlo at nagsibalik na sa mga pwesto nila, syempre ako rin.

(Lj's Pov)

Kaya naman pala ang ganda ng ngiti ng mokong habang may kausap sa Phone, si Winry pala. tss kala niya di ko siya nababasa, wooo asa pa siya. Inlove na ang Love Hater na si Roe.

Her Smile :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon