Chapter 3: Spin the bottle

7.7K 120 2
                                    

Feel na feel ni Mr.Corje ang pag didiscuss habang kawawa naman ang mga ka-blockmates kong naka-upo sa harap, kasama na dun si Lj na nasa mismong harap pa ni sir, dahil siguradong nasa Operation libreng ligo na sila ni Mr.Corje. kung ako sakanila magpapayong ako. :)))))

tinignan ko ang relo ko, ano ba yan 25 mins pa bago mag lunch. Wala pa kong kadaldalan dahil pinaghiwalay ni Mr.Conje ang seat plan namin sa time niya. Pinag-hiwalay niya kami ni Lj ng upuan dahil magdadaldalan lang daw kami pag magkatabi kami.

Ang sakit pa ng katawan ko, pagka-hatid ko kasi kay Winry kahapon ay dumiretso ako sa field para sa 1st day meeting ng soft ball, pinag Warm-up kami ni Coach. Grabe ang dami kong pagod kahapon. mga 500. :)))

And after many many many words and saliva falls from Mr.Corje's mouth at lunch na. Bumili muna kami ni Lj ng pag kain sa canteen at dinaanan namin si Rainee, tsaka kami dumeretso sa Tambayan. Pag dating namin ay si Robee palang ang nakaupo sa loob ng kubo. Pumasok na kami sa loob at umupo.

"hey, nasan sila Em?" tanong ko kay Robee. nag kibit balikat lang siya habang kinakalkal ang Phone niya, Busy to sa kaka text sa mga chix niya.

Kumakain na si Lj at Rainee, ang sweet nag susubuan, yan ba ang sinasabi nilang mag bestfriend? sus tong mga to di pa kasi umamin na mahal nila ang isat isa at nang maging sila na.

"GUUUUUUUUUUYSSSS!" Nagulat ako sa sigaw ni Em. Kasama niya si Kim at si Winry, part na siya ng barkada.

"Nakakagulat ka naman Em. Lakas ng bibig mo" sabi ni Robee, tinabi na niya ang Phone niya sa bulsa niya.

Tumawa lang si Em. May dala na rin silang mga pag-kain "Kumain na ba kayo?" tanong ni Kim.

"Sila Lj at Rainee kumakain na" sabay smirk ako.

"Ang sweeeeet naman, sabay sila" pang aasar ni Kim.

"Pag ka sabay lang kumain sweet na?" sabi ni Lj.

"woooh, nagsusubuan pa nga kayo kanina" sabi ni Robee sabay smirk. Nag apir naman kami.

"Syempre magbestfriend kami, masama bang maging sweet sa bestfriend?" Defensive naman nito ni Rainee.

"oo na. Bestfriend bestfriend, kain na nga tayo!" sabi ni ni Em. Kumain na nga kami. si Kim at Em at sobrang sweet, nagsusubuan, nagpupunasan ng dumi sa bibig, kulang nalang videohan tong dalawang to tapos pwede nang pang teleserye ang kasweetan. Si Lj at Rainee naman ay hindi na gaanong sweet tulad ng kanina, halatang ilag sa pagiging center ng asaran. Si Robee naman ay kinakalkal nanaman ang Phone niya habang kumakain. Si Winry naman ay tahimik lang na kumakain. Napatingin siya sakin. Nakatingin din ako sakanya. at NAGKATINGINAN NANAMAN KAMI. Nginitian ko siya. Nginitian niya rin ako. NAGNGITIAN KAMI! :))))))))

"Spin the Bottle tayo!" yaya ni Robee habang pinaglalaruan ang wla nang laman na bote ng Tubig. Payag naman agad ang lahat, mga may pagka isip bata pa tong mga to. :)))

"ako muna" sabi ni Robee at agad na inikot ang bote, Natapat yun kay Lj. Ngumiti naman si Robee kay Lj ng hindi kaaya ayang ngiti. Ngiting punong puno ng kalokohan "Ano? Truth or Consequence?" Tanong niya kay Lj.

"Consequence" mukhang iwas sa Truth to si Lj ah.

Tumawa si Robee. "Lagi mong hawakan ang kamay ni Rainee for 2 days, bibitawan mo lang kapag class time na, pag umuwi na kayo pareho at pag mag ccr." sabi ni Robee.

wala nang nagawa si Lj kundi sundin yun kaya hinawakan na niya ang kamay ni Rainee at inikot na niya ang bote. Si Winry ang tinapatan nito, "Truth or Consequence" tanong ni Lj. ano kayang pipiliin ni winry.

Her Smile :)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon