chapter 1

193 10 3
                                    

hirap umibig

hirap ding umiyak

hirap magmahal

hirap din masaktan

hirap umasa

hirap din mabigo

.

.

.

Kaya I have decided to make an oath that prohibits me to fall in love to any other guys.

Simula ng ginawa ko ang pangako na yun sa sarili ko naging mataray at cold na ang pakikitungo ko sa lahat ng lalaking nagtangkang lumapit sa akin.

Kung bakit ko ito ginagawa? hndi ko rin alam kung bakit, basta ang alam ko lang kailangan ko itong gawin for my onw good. Para hindi ako magaya sa nangyari kila mama at papa.

Bata pa lang kasi ako kitang-kita ko na ang coldness ni papa kay mama. Yun bang kapag tiningnan mo yung mga mata niya walang emosyon as in wala, para bang hindi nya mahal si mama at napipilitan lang sya para dito. Pero kahit ganun pa man ang pakikitungo ni papa kay mama ay mahal na mahal pa rin sya nito. Kapag si mama naman ang tinitingnan ko halatang sa kabila ng kanyang mga ngiti ay nagkukubli ang kalungkutan at pighati. Gabi-gabi naririnig ko na lang si mama na tahimik na umiiyak sa loob ng kwarto nya lalo na nung hindi na naman umuwi si papa kahit 8th year anniversary nila ni mama, mas inuna na naman nya ang business namin. Gusto kong lapitan si mama at sabihing " mama ok lang yan, sige iiyak mo lang yan sa akin, nandito lang ako lagi sa tabi mo mama di kita iiwan tulad ni papa kasi love na love na love na love kita" 

Pero hindi ko yun masabi sa kanya kasi lalapit pa lang ako ay itinataboy na nya ako agad. OUCH! ang sakit nun, maramdaman mo ang rejection sa sarili mo pang INA!  But that's alright with me, alam ko naman kasi ang dahilan ng pag-iyak ni mama at kung bakit nya ako tinataboy sa kanya palayo dahil ayaw nya lang akong makita ko syang naghihirap. At dahil dyan mas lalong tumaas ang tingin ko kay mama dahil nakayanan nyang pagtiisan ang sakit na nararamdaman nya  mag-isa at higit sa lahat napagtiisan nya ang cold na pakikitungo sa kanya ni papa, ang tapang nya noh kaya idol ko sya eh kahit pa sabihin na nating martyr sya pero she's still my mom so i'll do everything to support her happiness.

So para mapasaya ko si mama ay naghanda ako ng breakfast in bed para sa kanya, take note ako talaga ang nagluto nung mga yun. Kumatok ako ng kumatok sa pintuan ng kwarto ni mama pero walang response so akala ko tulog pa si mama kaya pumasok na lang ako mag-isa... at... at.. at... at... hindi ako makapaniwala sa nakikita ko ngayon,, please somebody tell me that i'am only dreaming and this nightmare would end anytime cause i' am going to wake up seeing my mother smiling at me.  Pero hindi ganun eh, totoo itong nakikita ko.. si.. si.. m..ma .. ma  NAKABULAGTA SA SAHIG AT NALILIGO SA KANYANG SARILING DUGO! ,sa tabi nya nakita ko ang isang basag na bote ng alak. Mukhang tinapos na ni mama ang kanyang paghihirap. 

" mama! wake up! please wake up! akala ko ba matapang ka bakit mo ako ngayon iiwan? di ba nandito naman ako, hindi pa ba sapat yung love ko pra sa iyo? mama please WAKE UP!! look oh pinagluto pa kita ng breakfast so gumising ka na dyan para matikman mo na ang masarap kong luto" halos bumuhos na ng bumuhos ang mga luha ko,, walang tigil basta patuloy lang sya sa pag-agos, ni hindi ko nga alam kung gaano katagal na ba akong umiiyak dun halos magunaw na ang buong mundo ko.

Iniwan na nya ako, mag-isa na lang ako ngayon, wla ng mag-mamahal at magpaparamdam sa akin ng pag-aaruga. Wala na yung taong pinakapoprotektahan ko. I felt like i'm inside a blackhole, yung pakiramdam na hinahatak ka papunta sa kawalan. Nung mga panhon na yun isang tao lang naman ang inaasahan ko na dadamay sa akin eh at yun ay walang iba kundi si ... Papa ... pero ano? nasaan sya ? WALA! mas inuna pa rin ny ang business nya kesa sa akin na nag-iisa nyang anak! I can't really understand him! heto ako ngayon kailangang kailangan ng makakpitan dahil halos hindi ko na kaya ang sakit na nararamdaman ko sa dibdib,, sakit na halos ikamatay mo na . Pero meski anino nya wala akong nakita.

Bringing you LOVE >>> Ms.Man haterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon